PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kay sakit mabigo

Dear Dr. Love,

Kabilang po ako sa napakarami ninyong tagasubabay. Magmula nang ako’y third year college, five years ago ay suki na ako ng inyong kolum. Tawagin na lang ninyo akong Roman, 28 anyos.

Noong 2014 ay nagkaroon ako ng girlfriend. Tawagin na lang natin siyang Remedios. Sa pamamagitan lang ng text message ay nakipag-break siya sa akin. Nasaktan ako. Tinawagan ko agad siya at sinabi niya na may iba na siyang mahal. 

Hindi ko po ito matanggap dahil sa haba ng panahon ng aming relasyon ay minahal ko na po siya nang husto. Halos lahat ng hilingin niya ay ibinigay ko sa abot ng aking makakaya, pati na ang kanyang mga alahas. Ginawa ko po ang lahat para suyuin siya.

Pagpayuhan po ninyo ako. Mahal ko ang kasintahan ko at dahil ayaw ko pong mawala siya sa buhay ko.

Mula nang makipag-break siya ay nasira na ang buhay ko at nakakaisip na akong magpakamatay dahil sa kanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sana ay mabigyan mo ako ng bagong inspiras­yon o kaibigan. Sana po ay magkaroon ako ng kaibigang babae na makakaunawa sa sitwasyon at kalungkutan na nadarama ko.

Marami pong salamat, Dr. Love.

Roman

Dear Roman,

May kasabihan na mas mabuti ang umibig at mabigo kaysa hindi umibig kailan man. Pero ang tunay na pag-ibig ay marunong magsakripisyo. Hindi mo maaaring piliting umibig sa iyo ang isang tao kung wala siyang nadarama sa iyo.

Ang mahalaga, naipadarama mo sa kanya ang katapatan ng iyong pag-ibig. Nabigo ka man, huwag mong gawing dahilan ito para bawiin ang buhay na kaloob sa iyo ng Diyos.

May bukas pa at matatagpuan mo rin ang babaeng iibigin mo at iibig din sa iyo nang tapat.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: