PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nasanay sa mali

Dear Dr. Love,

High school days palang ay love team na kami ng kababata ko, kaya hindi rin naman nakakapagtaka na magkatotoo ang matagal nang anticipation ng marami sa amin.

Sa maraming taon na involve kami sa isa’t isa ay masasabi kong bago pa kami maging mag-on ay kilala ko na siya. Hindi na rin maitatago sa akin ang mga maling nakasanayan niya.

Ang pag-alis niya nang walang paalam sa magulang o kahit sa kapatid, wala ring oras ang kanyang pag-uwi at hindi siya ang tipong seryoso sa pag-aaral. Mga bagay na hindi ko tiningnan nang sagutin ko siya.

Mag-iisang taon na kaming magkarelasyon at hindi ko na maitago na naaapektuhan ako nang mga nakasanayan niyang mali. May ilang beses ko na ring nai-open sa kanya ang tungkol dito. Pero ang lagi niyang sinasabi ay nakasanayan na niya.

Ngayon po ay nasa konsiderasyon akong makipag-break sa kanya. Hindi ko po kasi gusto na kunin ang kunsumisyon ng mga magulang niya sa kanya, dahil wala siyang pagpapahalaga sa mga taong nagbibigay sa kanya ng importansiya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isa pa, hindi ko  rin po makuhang isipin na ang tipo niya ang magiging future ng mga magiging anak ko. Tama po ba ang pasiya ko? Payuhan po ninyo ako.

Jing

Dear Jing,

Kung ang partikular na gawain ay nakasanay na, hindi ito basta maiaalis sa isang tao. Pero hindi naman imposibleng matanggal o baguhin ito, kailangan lang ay gustuhin.

Ang sabi mo ay nai-open mo na sa kanya ang obserbasyon mo, kung sa tingin mo ay dedma lang siya gaya kamo nang pagtrato niya sa kanyang mga magulang, ano pa nga ba ang mapapala mo sa ganyang klaseng partner.

Makipag-break ka na para magkaroon ka ng time na ma-meet ang guy na tama ang nakasanayan.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: