PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

In love sa gay

Dear Dr. Love,

Hello there, Sir. Please call me Divine. It’s not my true name but I hope you will allow me to hide my real identity. I am 20 years old and studying in one exclusive college in Metro Manila.

Noong araw, akala ko corny ang sumulat sa mga love column na tulad ng sa’yo. But to tell you frankly, impressed ako sa mga payo mo kaya isa na rin ako sa mga lumiham para humingi ng payo.

Mayroon akong kaibigan lalaki na guwapo at mabait. Akala ko may mutual understanding na kami. Very close kasi kami and other friends thought na kami na.

Ngunit isang araw, bigla akong nagulat sa ipinagtapat niya sa akin. Closet Queen pala siya. Isang lalaking may pusong babae.

Nasaktan ako sa sinabi niya dahil mahal ko siya at alam niya ‘yon. Pero akala raw niya ay parang kaibigan lang na matalik ang turingan namin. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya pero nahalata niya ang aking pagkagulat.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Despite that, mahal ko pa rin siya at umaasa akong magbabago siya. Dapat pa ba akong umasa na magbabago siya at magkakatuluyan kami?

Divine

 

Dear Divine,

Mahirap umasa sa ganyang situwasyon.  Siguro puwede mong ituloy ang close friendship mo sa kanya at encourage mo siya na magbago at matutunan kang mahalin bilang kasintahan.

Minsan may mga nangyayaring ganyan pero mahirap asahan. Huwag mong isara ang pintuan ng iyong puso kung hindi man mangyari ang iyong inaasahang pagbabago sa kanya. Open your door to other suitors at malay mo, makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin mo at magmamahal sa iyo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: