PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Sinasakal’ ng gf

Dear Dr. Love,

Isang taon na kaming mag-on ng girlfriend ko. Alam kong mahal ko siya pero dahil sinasakal niya ako ay unti-unting nababawasan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Mula nang maging magkarelasyon kami ay nili­limitahan niya ako sa mga kaibigan na sinasamahan ko para mag-happy-happy.

Ayaw niyang magsasama ako sa mga kaopisina ko na papalit-palit ng partner.

Maaaring may obserbasyon siyang hindi maganda sa kanila dahil iisang opisina lang ang pinapasukan namin araw-araw. Pero hindi naman niya alam ang puno’t dulo sa bawat sitwasyong kinakasangkutan nila.  Hindi po maintindihan ng girlfriend ko ang tungkol dito.

Ang pinakamalaking isyu na hindi ko magagawang sang-ayunan sa kanya ay ang kagustuhan niyang i-deactivate ko ang aking facebook account. Malaking bagay po para sa akin ang social media network na ito para makontak hindi lamang ang mga matagal nang kaibigan, kundi maging ang mga kamag-anak na nasa abroad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Para sa girlfriend ko, kung anu-ano lang daw ang mga natututunan ko sa fb kaya makabubuting tantanan ko na raw ito.

Sa mga panahong halos ibaon ako sa kalungkutan ng mga pinagdaanan ko, ang fb po ang pinagkukuhanan ko ng kaligayahan. Ang iba sa mga naging karelasyon ko noon ay sa fb ko rin nakilala.

Hanggang ngayon ay hirap akong maunawaan ang dahilan niya kung bakit gusto niyang huwag na ako mag-fb.

Malapit na ang stag party ng kaibigan ko na mukhang daragdag na naman sa mga pag-aawayan namin. Ako ang best man, kaya paano ko gagawin na hindi pumunta?

Nag-iisip na akong makipag-break sa girlfriend ko dahil sakal na sakal na ko sa kanya. Payuhan po ninyo ako kung dapat na ba akong maghanap ng ibang girlfriend.

Maraming salamat po sa payo ninyo. God bless po, Dr. Love 

Gumagalang,

Edgar Allan

 

Dear Edgar Allan, 

Naipaalam mo na sa girlfriend mo ang nagiging epekto sa’yo ng mga gusto niyang mangyari? Subukan mo munang kausapin siya para maging malinaw ang bawat panig ninyo. Kung walang mangyari at hindi mo na gugustuhing tumagal sa inyong relasyon, nasa iyo ang pagpapasya kung maghanap ka ng iba.

 Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: