PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Huwag pagtaguan ang nakaraan

Dear Dr. Love,

Masaganang buhay sa inyo at sa mga sumusu­baybay ng inyong pitak.

Kabilang po ako sa maraming tagasubaybay ng Dr. Love. Tawagin n’yo na lang akong Erminda.

Separated po ako sa aking asawa at may kinakasama na hiwalay din at may mga anak na kagaya ko.

Malupit po at nananakit ang dati kong mister kaya ko siya hiniwalayan. Sabi ko, magtatrabaho ako sa Maynila pero hindi na ako nagbalik sa aming tinitirhan sa Davao City.

Nang umalis ako sa amo ko sa Quezon City, nagpasya akong magbalik sa probinsya. Dito ko nakilala ang lalaking kinakasama ko ngayon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Matanda na siya. Kung ako ay nasa 40 anyos, siya ay nasa 70 na. Mabait siya at kasundo ko ang dalawa niyang anak, maliban sa bunso na hindi ako tanggap bilang stepmother niya.

Isa sa anak niya ang nagtanong sa akin kung bakit ko naisipan na makisama sa kanilang ama na matanda na.

Sinabi ko na kahit na matanda na ang kanilang ama ay mahal na mahal ko ito, dahil nirerespeto niya ako. Mas mahal ko siya kaysa sa asawa ko.

Maraming nagpapayo sa akin na hiwalayan ko na ang partner ko dahil walang kinabukasang naghihintay sa akin kung sakali’t magkasakit ito at maiwanan ako.

Gusto naman akong pakasalan ng partner ko pero may una akong asawa at hindi naman legal ang paghihiwalay namin.

Ayaw ko nang bumalik pa sa tunay kong asawa. Ang problema ko lamang ay ang mga anak namin na nasa poder ng aking asawa.

Erminda

 

Dear Erminda,

Ayusin mo muna ang status mo. Magbalik ka sa asawa mo at kausapin mo. Kung wala na kayong pag-asang magkabalikan ay mag-file ka ng annulment at kunin mo sa poder niya ang mga anak ninyo. Medyo masalimuot iyan dahil may mga court proceedings.

Kung tatalikdan mo sila nang tuluyan, baka matanim sa puso ng mga anak mo ang galit sa iyo. Kaya habang maaga ay kumilos ka.

Pag-usapan ninyong mag-asawa ang legal separation na siyang magpapalaya sa iyo sa pagkakagapos sa kanya.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: