PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Biktima ng ‘user’

Dear Dr. Love,

Hi po! First time ko sumulat sa iyong column. Isang kapitbahay ang nagturo sa akin tungkol sa hinahangaan niyang love adviser at kayo po ‘yun. Hindi ko inakala na sa ilang linggo mula nang magkausap kami ay hahangarin ko rin po ang inyong payo.

Ang dating kababata kong si Arnold ay nagtapat ng kanyang feelings para sa akin, bagay na ikinatuwa ko dahil matagal na akong nakakatiyak na higit sa isang kaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero ilang buwan palang ang lumilipas ay may kakaiba akong napansin sa kanya. Hindi ko gustong lagyan ng malisya pero hindi ko maiwasan dahil iba ang trato niya sa pinsan kong FilAm na nagbabakasyon lang sa aming bahay.

Dr. Love, dumating ang point na hindi na maitago ang kaharutan niya sa pinsan ko. At mismong si Kevin na ang nagkwento sa akin na gay si Arnold. Mahirap tanggapin pero lumalabas na ako ang naging daan niya para magawa ang hangaring mapalapit sa pinsan ko.

Noon din ay naglaho nang parang bula ang pagtingin ko sa kanya, kasama ng respeto dahil ginamit lang pala niya ako para sa tunay niyang motibo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi ko po muna siya gustong makita at sa palagay ko ay hindi ito big deal sa kanya. Dahil pagpapangap lang naman ang lahat nang ginawa niya sa akin.

Posible po pala talaga na ang special feelings ay maging galit sa sandaling gawan ng panloloko ang isang tao. Ayaw ko po manatili ang ganitong emos­yon sa dibdib ko, hindi maganda ang pakiramdam. Pero paano ako hindi magagalit, eh kahit marinig ko lang ang pangalan ni Arnold nagbabago na ang mood ko. Payuhan po ninyo ako.

Bebs

Dear Bebs,

Mahirap man sa umpisa ang pagpapatawad pero hindi ito imposible. Sa ngayon ay sikapin mong iba­ling ang iyong atensiyon sa iba’t-ibang bagay para maging busy ka nang sa gayon ay maiwasan mong maalala si Arnold.

Sa maniwala ka o hindi, darating ang umaga na magiging mas magaan na ang loob mo hanggang sa handa ka nang magpatawad. Wala namang perpek­tong tao sa mundo, bawat isa sa atin ay nagkakamali. Pero dapat pa ring magpatawad, para patawarin din tayo ng Diyos sa lahat ng kasalanan natin.

Anuman ang mangyari, piliin mo ang maging masaya.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: