^

Dr. Love

Pasasalamat kay Nanay Delia

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang araw sa inyo at sa lahat na bumubuo ng PSN. Hindi po problema ang gusto kong ilapit sa inyo, kundi pasasalamat sa isang tao na gaya ninyo ay may ginintuang kalooban para magmalasakit sa kapwa.

Naging nanay-nanayan ko si Nanay Delia noong mga panahon na paghohostes ang pinagkakakitaan ko para maitaguyod ang aking dalawang anak. Iniwan po ako ng aking asawa at sumama sa ibang babae na kaya siyang buhayin at ibigay ang luho niya kahit nakahilata lang.

Nasa aking ina ang mga anak ko at nagpapadala na lang ako ng sustento. Hindi alam ng pamilya ko na hostes ako, dahil ang sabi ko ay waitress ako sa isang malaking restaurant sa Olongapo.

Minsan ay muntik na akong mabuko ng anak ko. Nasa kolehiyo na siya noon at dahil naantala ang pagpapadala ko ng pera para sa matrikula niya ay minabuti niyang sadyain ako.

Tamang-tama naman na may dumating na barko kaya may trabaho ang gaya kong hostes. May bisita ako noong araw na ‘yun, si Steve. Mabuti na lang nang kumatok ang anak ko ay nakagayak na siya at paalis na.

Inabot ko ang pera sa anak ko pero galit siyang tinanggihan ito. Ang sabi niya na kung galing sa masama ang pera ay mabuti pang tumigil na lang siya sa pag-aaral.

Ipinagkaila ko pa rin ang totoo at sinabing kaibigan si Steve na nalalapitan ko kapag gipit. Suma-sideline rin kako ako sa kanya sa paglalabada. Tamang-tamang may naiwang damit si Steve na dadalhin ko sa laundry.

Salamat na lang at dumating si Nanay Delia na siyang nagpaliwanag sa aking anak. Marahil naniwala sa kanya ang anak ko dahil kinuha na niya ang pera saka umalis.

Noon din ay pinayuhan ako ni Nanay Delia na magbagong-buhay na. Galing din pala siya sa pagho-hostes bago naging kasera. Sinunod ko ang payo niya at ngayon ay maayos na ang buhay ko.

Wala na akong impormasyon kung nasaan na si Nanay Delia pero dahil alam kong  masugid siyang mambabasa ng inyong column, sa pamamagitan nito ay gusto kong iparating sa kanya ang taos-puso kong pasasalamat.

Gumagalang,

Celeste

 

Dear Celeste,

Salamat sa sulat mo, alam kong kinapulutan ito ng mahalagang aral ng ating mga readers. Mara­ming salamat din sa pagtangkilik ni Nanay Delia, tunay na biyaya ang isang nilalang na nagmamalasakit sa kanyang kapwa.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with