^

Dr. Love

Ayaw umamin ang ama ng anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lamang ako sa pangalang Angela at hindi ko ikinahihiya ang aking pagiging single mom sa anak kong babae na ngayo’y 21 years old na.

Ako ay 42 anyos na ngayon at bagamat marunong pa ring tumibok ang puso ko, ipinasya ko na huwag nang pumasok sa ano mang relasyon. May pagka-bitter kasi ang nakaraan kong relasyon 21 years old ako noon at pinagtaksilan ng boyfriend.

Katatapos ko lang noon sa kursong industrial engineering at sa aking unang trabaho, naging boss ko ang aking boyfriend na siyang tatay ng aking naging anak sa pagka-dalaga.

 Masakit ang ginawa niya dahil matapos akong buntisin ay tinanggal ako sa trabaho at ayaw aminin na siya ang tatay ng anak namin.

May mga nagsasabing ipa-DNA test ko ang anak ko pero ayaw ko na ng gulo. Isa pa, papayag ba siyang kuhanan ng DNA sample? Malamang ay hindi.

Hindi naman naging mausisa ang anak ko hanggang lumaki. Nauunawaan niya ang situwasyon ko. Hanggang sinabi niya sa akin na nakipagkita sa kanya ang ama niya at nagpakilala.  Pero hindi raw nagtagal ang pag-uusap nila. Sinabihan ko ang aking anak na huwag tratuhin ng maganda ang lalaking nagtakwil sa kanya pero sabi niya, hindi maaalis ang katotohanang ama pa rin niya ang naging boyfriend ko? Tama ba siya? Hihingin ko lang ang opinyon mo.

Angela

 

Dear Angela,

Tama ang anak mo. Hindi mababago ang genetic component sa kanyang katawan na nagpapatotoo na ang naging boyfriend mo ang kanyang ama.

Nasa edad na ang anak mo kaya pabayaan mo na lang siya kung tratuhin niya nang maayos ang kanyang blood father na siyang nararapat. At ikaw rin, sa kabila ang ginawa niyang masakit sa iyo ay matuto kang magpatawad at ipasa-Diyos mo na lang ang situwasyon.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with