^

Dr. Love

Noong kailangan ang ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lumaki po ako sa piling ng aking lolo at lola na una kong inakala na siyang mga magulang ko, hanggang ipagtapat sa akin nang inakala ko ring kapatid pero tunay ko palang ina ang aking pagkatao.

Hindi ko masisisi sina lolo at lola sa naging set nila ni Mommy. Dahil intensiyon lang nilang protektahan ang aking ina na nabuntis ng isa palang may asawa at may mga anak din sa iba pang babae.

Hinangad din nila na maiiwas ako na maging tampulan ng tukso at masabihang putok sa buho. Nagkaganoon man ang kalagayan ko, maligaya po ako dahil busog ako sa pagmamahal kahit pa hindi ko kilala noon at kinalakihan ang aking tunay na ama.

Sa probinsiya po ako lumaki habang si mommy naman ay ibinuhos ang kanyang kabataan para makapaghanay buhay sa Maynila. Siya ang naging provider ng pamilya hanggang sa mapagtapos ang dalawa kong uncle.

Nalalapit akong magkolehiyo nang hingin ko ang pahintulot ni mommy na makilala ang aking tunay na ama. Alam kong tutol siya pero batid niyang karapatan ko ‘yun, kaya pumayag na rin siya.

Taga-Bulacan ang daddy ko at may ari pala ng pinakamalaking poultry farm doon. Bukod sa hangad kong makilala siya ay nais ko rin na kahit minsan ay matulungan niya si mommy at itaguyod ang aking pag-aaral.

Pero nang magkita pa lang kami na hindi ko na siya kinakitaan ng interes sa akin. Gayunman ay kinuha niya ang cellphone number ko at address ng inupahan naming apartment ni mommy.

Sa madaling sabi, walang saysay at hindi na dapat akong nag-aksaya ng panahong makilala siya. Dahil wala siyang kwentang tao. Tama lang na mawalan ng interes sa kanya ang mommy ko.

Sa kasalukuyan po ay nakatapos na ako, may sari­ling pamilya. At si mommy may nanliligaw sa kanyang biyudo. Gusto ko sana na kahit sa huling bahagi ng buhay niya ay matamo niya ang pansariling kaligayahan. Pero tumanggi na siyang magpatali. Biyudo po na may apat na anak si Mang Nestor, alam ko po na mahal na mahal niya si mommy at matino siyang tao.

Sa tingin n’yo po ba ay makukumbinsi ko pa ang mommy ko na mag-asawa pa sa kabila ng edad niya? Payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Boyet

Dear Boyet,

Hinahangaan ko ang tagumpay ng iyong lolo at lola; lalo na ng iyong ina at sa kabila ng kalbaryong pinagdaan niya nang mabuntis ng may sabit nang lalaki, ay nagawa pa rin niyang mapalaki ka nang responsable at puno ng pagmamahal.

Maaaring husto na ang pagmamahal mula sa inyong pamilya kung kaya kontento na ang iyong ina na hindi mag-asawa. Kaya ganap niyang tutuldukan ito, naniniwala ako na matatag ang basehan niya at wala kang dapat na ikabahala.

 DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with