PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Attractive sa ‘wrong guys’

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Sana po, lagi kayong nasa mabuting kalagayan kasama na ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan.

Tawagin n’yo na lang po akong Lonely Girl. Lonely dahil sa edad kong 23 anyos ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Naaasiwa tuloy ako kapag dumadalo ng reunion dahil bukod tanging ako lang ang walang escort.

May mga nanliligaw naman po sa akin pero ang pinagtataka ko ay pawang wrong guys ang mga ito. Dahil kung hindi pamilyado na ay hiwalay sa asawa.

Sa pinapasukan ko namang opisina, ang mga kaedad ko ay may mga long time sweet heart na. Matangkad naman po ako sa height na 5’7, maputi at sexy. Pero bakit hindi sa pinapangarap kong lalaki na kasing tangkad ko, kayumanggi, matalino at responsable sa buhay ang makatipo sa akin?

Saang lupalop ko kaya mahahanap ang Mr. Right ko? Sa palagay n’yo po ba ay dapat ko na lang tanggapin na nasa borderline na ako ng pagtandang dalaga?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Payuhan mo po ako. Maraming salamat at God bless you always Dr. Love.

Gumagalang,

Lonely Girl

Dear Lonely Girl,

Huwag mong i-pressure ang sarili mo dahil hindi ka pa naman nahuhuli sa byahe. Marahil kaya panay wrong guys ang naa-attract sa’yo ay masyado pang maliit ang ginagalawan mong mundo. Subukan mong gawing visible ang sarili mo sa mas maraming okasyon o kaya’y magbakasyon ka sa ibang lugar, anong malay mo isa sa mga lugar na mapupuntahan mo ay doon mo makilala ang Mr. Right mo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: