PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Proposal o promotion?

Dear Dr. Love,

May boyfriend po ako na karelasyon ko sa loob ng tatlong taon. Mahal ko siya at makailang ulit na siyang nag-propose na magpakasal kami pero kasabay nito  ang promotion na matagal ko nang hinahangad.

Dahil katumbas nito ang katuparan ng pangarap kong matulungan ang aking mga magulang na maipaayos ang aming bahay, makapagpundar ng negosyo para sa aking nakakatandang kapatid at para muling makapag-aral ng medisina ang bunso kong kapatid.

Matagal ko nang ipinapanalangin na ma-promote ako dahil matatamo ko na ang mas magandang sweldo at mga benepisyo. Dr, Love hindi ko kayang talikuran ang pangarap ko para sa aking pamilya.

Ang problema ko ay kung paano ko sasabihin ang tungkol dito sa boyfriend kong si Danny. Payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po at God bless you always.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gumagalang,

Jenn

 

Dear Jenn,

Hindi maiiwasang masaktan siya sa sandaling ipaalam mo na sa kanya na mas matimbang ang promotion kaysa proposal niya. Pero sakaling payag siya na mabigyang katuparan mo ang pangarap mo para sa iyong pamilya, tatalikuran mo pa rin ba siya? Pag-isipan mo nang mabuti para wala kang pagsisihan sa huli.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: