^

Dr. Love

Inagawan ng boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagpapauna na po ako ng pasasalamat sa pagbibigay-daan ninyo rito sa aking sulat. Tawagin n’yo na lang akong Tita, 23 anyos.

Ang problema ko po ay tungkol sa kaibigan ko na nagkaroon ng problema sa kanyang boyfriend kaya tinulungan ko siya. Ipinahiram ko ang boyfriend ko para pagselosin ang boyfriend niya.

Masakit ang nangyari dahil kalaunan ay nanlamig na sa akin ang boyfriend ko at nakipag-break. Tapos nabalitaan ko na lang na sila na ng kaibigan ko.

 Mahal na mahal ko ang boyfriend ko. Inakit siya ng best friend ko at tuluyan nang inangkin. Tulungan mo po ako kung ano ang dapat kong gawin.

Gumagalang,

Tita

Dear Tita,

Alam mo, napakabait mong kaibigan. Pati boyfriend mo ay ipinahiram mo sa Bessie mo. Mali. Maling-mali.

Sa isang banda, mabuti ang nangyari dahil nasubukan mo ang katapatan ng boyfriend mo. Hindi pala siya karapatdapat sa iyo dahil marupok siya.

Kalimutan mo na siya at mag-move-on ka na. Maraming iba riyan na matapat. Pero sa susunod, kapag may nanghiram ng boyfriend mo, huwag mo nang ipahihiram.

Idalangin mo na lang na makatagpo ka ng ibang higit na mabuting loob at mas matatag ang pagmamahal sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with