^

Dr. Love

Bunga ng kapusukan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay ang aking mainit na pagbati sa inyo, Dr. Love. Napakalaki po ng problemang pasan ko kaya umaasa po ako sa inyong ginintuang payo. Tawagin mo na lang akong Lady Blue, 21-anyos.

Nagkaroon ako ng boyfriend bagama’t hindi ko masyadong mahal. Pero dala ng kanyang kapusukan ay natangay ako at pareho ka­ming nakalimot. Isang gabi ng pagkakasala na  nagresulta sa mabigat kong problema ngayon.

Dalawang buwan na po akong buntis na bunga ng aming kapusukan.

Hindi ito alam ng parents ko at ang patuloy na paglaki ng aking tiyan ay magiging dahilan para ito’y malaman din nila sa malapit na hinaharap. May kaibigang nagpapayo sa akin na ipalaglag ang sanggol. Tama po ba ito?

Hihintayin ko po ang inyong kasagutan and thanks in advance sa tulong ninyo. More power to you.

Lady Blue

 

Dear Lady Blue,

Marami ang kagaya mong napapatangay sa kapusukan. Sana ay magsilbing leksyon ang kasaysayan mo sa kanila.

Wala akong maipapayo kundi harapin mo ang ibubunga ng iyong pagkakamali. Hindi option ang pagpapalaglag sa baby sa sinapupunan mo. Pagpatay iyan ng tao na isang napakalaking kasalanan sa Diyos.

Magtapat ka sa iyong magulang at huwag mong katakutan ang magiging reaksyon nila. Natural, magagalit ang mga iyan, pero anak ka nila. Ikaw man ang may gawa ng sarili mong problema, tungkulin nilang damayan ka. Magpasama ka sa isang nakatatandang kamag-anak sa pagharap mo sa iyong mga magulang para hindi sila masyadong maging marahas sa iyo.

Naniniwala ako na magalit man sila sa una, huhupa rin ito at mangingibabaw pa rin ang pagiging magulang nila sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with