^

Dr. Love

Sabik magka-apo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal ko pong kinasabikan ang pagkakaroon ng apo sa nag-iisa kong anak na lalaki. Pero napipintong maudlot ito dahil nagdesisyon siyang hiwalayan ang asawa niya.

Kabuwanan na noon ni Karen nang maulinigan kong umiiyak siya habang galit na galit naman ang aking anak na si Peter. Gusto niyang lumayas noong gabing iyon ang manugang ko na ipapasalo raw sa kanya ang anak sa ibang lalaki.

Para rin po akong namatayan sa nalaman ko. Pero sinikap kong pakalmahin ang aking anak para hindi siya makagawa ng bagay na pagsisisihan niya sa huli. Pinakiusapan ko siya na huwag munang paalisin si Karen dahil gabi na at kabuwanan na nito, baka kung ano pa ang mangyari sa kanya at sa sanggol sa sinapupunan niya.

Dinala ko sa aking silid ang manugang ko para roon muna matulog at para makausap ko rin siya ng mabuti. Tinanong ko siya kung bakit nagawa niyang dayain ang anak ko.

Umiiyak niyang ipinagtapat na hindi niya kagustuhan ang nangyari sa kanya. Nagpa-party ang mga kaibigan niya para sa kanya nang malamang ikakasal na siya. Nalasing siya at doon na nangyari ang hindi niya gustong mangyari.

Natakot daw siyang ipagtapat ito kay Peter dahil baka umatras siya sa kasal. Nahabag ako sa aking manugang na napamahal na rin sa akin, maging ang sanggol kahit hindi pa nailuluwal.

Dr. Love, nakahanda akong ituring na apo ang anak ni Karen pero hindi ko naman magawang balewalain ang damdamin ni Peter. Madalas akong nananalangin para hingin ang gabay ng Panginoon sa problemang ito.

Pagpayuhan po ninyo ako kung tama ba ang pasiya ko.

Maraming salamat po at God bless you always Dr. Love.

Gumagalang,

Mrs. Saligumba

Dear Mrs. Saligumba,

Mapalad ang manugang mo sa pagkakaroon ng biyanan na may malawak na pang-unawa at mapagmahal. Pero ang pagtanggap sa sanggol ay dapat na magmula sa iyong anak. Bagay na hindi magiging madali para sa kanya. Pero walang imposible sa pusong nananalig sa Diyos ng perpektong pag-ibig. Anong malay natin na sa sandaling maisilang na ang sanggol ay kusang lumambot ang puso ni Peter at mapatawad ang iyong manugang. Kasama mo ako sa panalangin na ang pinakamabuti ang maging pasiya nila sa pagsubok na ito.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with