^

Dr. Love

Bistado ng anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang po ang ako sa pangalang Glen. Isa po akong CPA at mayroong magandang puwesto sa isang malaking kumpanyang multi-national sa bansa.

Mayroon na po akong asawa at nag-iisang anak na babae. Naghahangad pa po akong magkaroon ng isa pang tagapagmana pero pinagbawalan na ng kanyang doktor ang misis ko na magdalantao.

May enlargement of the heart ang asawa kong si Penny mula sa kanyang pagkabata. Nagkaanak kami nang isugal niya ang buhay niya sa kabila ng kanyang kondisyon. Salamat sa Diyos at kahit na tinaningan na siya ng mga doktor ay nalampasan niya ang panganib nang pagbubuntis.

Pero ‘yun na ‘yun at hindi na dapat masundan. Dahil sa kalagayan ni Penny, hindi na niya matugunan ang pangangailangan ko bilang lalaki. Kaya siya na mismo ang nagbigay ng pinahintulot na hanapin ko ito sa iba.

Bagay na nangyari sa pagitan namin ng aking secre­tary. Alam kong hindi ko maitatago nang matagal ang pagkakaroon ng ibang pamilya sa aking anak. Hindi ko rin akalain na malalaman niya ang tungkol dito sa hindi inaasahang pagkakataon.

Pupuntahan lang sana siya sa bahay ng isang matalik na kaibigan nang  mamataan niya ang paghahabol sa akin ng aking bunso sa gate at ang paghalik ko kay Vivian at sa aming mga anak bago ako umalis.

Hindi nakatiis ang anak ko at lumapit sabay sampal kay Vivian at sinabing, ba’t ang daddy ko? Tapos umalis. Nang araw ding ‘yun ay hindi umuwi ang aking anak. Kinabahan ako para sa aking mag-iina dahil baka binalikan niya.

Hindi nga ako nagkamali nang tawagan ko si Vi­vian ay kakaalis lang daw ng aking anak.

Alam kong hindi siya magsusumbong sa kanyang mommy dahil bawal itong magalit. Pero mula noon ay hindi na ako kinikibo ng anak ko. Bagaman sibilisado naman siya kapag andyan ang mommy niya.

Gusto ko po manumbalik ang masiglang pamilya namin. Pero hindi ko naman maiiwasan ang pamilya namin ni Vivian. Tulungan po ninyo ako.

 Salamat at good day to you.

Gumagalang,

Glen

 

 

Dear Glen,

Kahit pa pumayag ang iyong tunay na asawa na hanapin mo sa iba ang hindi niya kayang ibigay sa’yo, hindi magiging tama ang mangalunya. Pero dahil ginawa mo na ay harapin mo ang consequences.

You can never have both of world. Kung tunay ang pagnanais mo na bumalik ang kaligayahan ng inyong pamilya ay iwanan mo ang ‘yung kerida pero sustentuhan mo ang mga anak ninyo.

Tapos hingin mo ang kapatawaran ng iyong anak, sa anumang paraan at gaano man katagal ang kailangan para lumambot ang puso niya ay pagtiyagaan mo.

 DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with