^

Dr. Love

Ano na ang nangyari?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nahihirapan po akong simulan ang aking liham. Noon ko pa po ibig sumulat sa inyo kagaya ng iba na humihingi ng mahalagang payo ninyo.

Tawagin n’yo na lang akong Annette, 25-anyos. Ang problema ko po ay kung paano ha­hanapin ang boyfriend ko.

Isa po akong Davaoeña. Noong araw ay sa Pasig City ako nagtatrabaho, sa isang depart­ment­ store. Dito’y nakilala ko ang kasintahan ko ngayon na isang law student.

Kaso, pinaglayo kami ng kapalaran dahil nag­balik ako sa Davao dahil may sakit ang aking ina. Mahal ko ang boyfriend ko at nagtitiwala sa kanyang pangako. Aniya, kahit matagal na wala kaming komunikasyon, hindi ako maglalaho sa puso niya.

May ibang nanliligaw sa akin na pawang binigo ko dahil sa aking boyfriend.

Halos isang taon na kaming walang komunikasyon at nawalan na ako ng balita tungkol sa kanya.

Naiisip kong sulatan ang kanyang mga magulang para alamin ang kalagayan niya pero nauunahan ako ng hiya. Ano po ang dapat kong gawin?

Annette

 

Dear Annette,

Kung mayroon kayong common friend, doon ka magtanong. Isa pa, bakit hindi siya mismo ang sulatan mo para alamin ang kalagayan niya?

Naniniwala ako na kung mahal ka niya, hindi siya titigil sa komunikasyon sa iyo, maliban na lang kung may matibay na dahilan.

Kailangan maliwanagan ka kung ano na ang nangyari sa kanya. Kung may address ka ng magulang niya, sige. Wala naman sigurong masama kung magtatanong ka. Mahirap kasi ang naghihintay na walang katiyakan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with