^

Dr. Love

Gay Proposal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bata palang ay ipinagkakasundo na kami ni Cesar ng aming pamilya. Palibhasa’y sinauna ang paniniwala ng aming pamilya, na naghahangad na hindi na mapunta sa iba ang yaman ng angkan, kundi sa magkakapamilya na rin.

Apo po si Cesar ng malayong kamag-anak ng lolo ko. Bagaman hindi tututulan ng batas sakaling may mamagitan sa amin. Pero noon pa ay alam na namin ni Cesar na pagdating sa usaping pampuso, non-negotiable kami.

Matagal na kaming nagkaalaman na siya ay may pusong babae habang ako naman ay pusong lalaki ang nanaig. Kahihiyan ang turing ng aming pamilya sa ganitong gender preference, kaya nananatiling lihim ang lahat sa pagitan namin.

Ang akala ng pamilya namin ay nagkaka­mabutihan na kami, dahil pareho kaming walang pinapakilalang partner sa kanila. Pero sa totoo lang po ay nasa college kami nang mapakawalan ang sariling kaligayahan, nagkaroon kami ng kani-kaniyang syota.

Ang problema ay maaaring mawalan kami ng mana at itatakwil pa ng pamilya kung pananaigin namin ang kaligayahan namin. Minsan po akong kinausap ni Cesar at may proposal siya sa akin, magpakasal daw kami.

Tutal naman nagkakaintindihan daw kami. Kaya maaari kaming magsiping kung gusto namin para magka-baby pero kapag umiral ang naturalesa ay pareho kaming malaya para roon.

Kung hindi lang ako tibo, may malaking posibilidad pa na magkaroon ako ng feelings kay Cesar. Gusto ko po ang proposal niya. Dahil gaya niya ay ayaw ko ring tumanda nang walang maaangkin pamilya. Sa palagay n’yo po ba ay may pag-asang mabago ang aming kakaibang katauhan?

Payuhan mo po ako. Maraming salamat po at magandang araw sa inyo.

Gumagalang,

Carmina

Dear Carmina,

Biologically, lalaki siya at babae ka; pareho ka­yong single kaya naniniwala akong pwedeng-pwede kayong magkatuluyan. Tama ka, may malaking posibilidad na magkadebelopan kayo.

Marami akong nakilalang gays na nagbago nang makakilala sa Diyos. Kung seryoso ang hangarin mong mamuhay sa iyong tunay na naturalesa, simulan mo ang magbasa ng bible. God’s word, really works!

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with