^

Dr. Love

Kakaibang relasyon

Pang-masa

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo, Dr. Love?  Please do not reveal my identity. Ako po si Timmy, isang tomboy. Babae ako pero may pusong lalaki. Magmula po ng ako’y bata pa, ni minsan ay hindi ako umibig sa lalaki. Lima na po ang nakarelasyon ko na puro babae.

Nagkaroon din ako ng mga manliligaw na lalaki pero agad ko silang tini-turn-down.

Pero nagbago ang takbo ng buhay ko nang makilala ko si Wella. Hindi siya isang babae, kundi isang lalaking bading na cross-dresser.  Madalas siyang manalo sa mga beauty contest ng mga bakla sa barangay. Babaeng-babae ang dating niya maging sa kanyang malambing na tinig. Niligawan ko siya at nagkaroon kami ng relasyon. Nagkasundo kaming magpakasal.

Ano po ang masasabi ninyo sa ganitong klaseng relasyon? Tama po ba na magpakasal kami?

Timmy

 

Dear Timmy,

Bakit naman hindi tama? Biologically, babae’t lalaki kayo, maliban na lang sa inyong mga damdamin.

Pero kung may feelings kayo sa isa’t isa, eh ‘di walang masama kung magkakatuluyan kayo. May kakayahan kayong bumuo ng pamilya.

Tama lang na magpakasal kayo kung tunay kayong nagmamahalan. In the biological sense, isa kang tunay na babae at siya ay lalaki.

Kaya wala kayong problema. Huwag pansinin ang sino mang lalait sa inyo. Pero tiyakin ninyo na sa araw ng kasal, ikaw ang naka-trahe de boda at hindi si Wella.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with