^

Dr. Love

Setyembre 20, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Panatag at kalmado ang kalooban ko. Dahil sa katapatan ng Manlilikha ko, siguradong ang nakalaan ay pawang sa ikabubuti ko.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –Nakasentro ang mga pangyayari sa personal na gawain. Iwasan ang gumawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin ng iba. Matutupad ang isang matagal nang naipangako. May pakinabang sa dadaluhang sosyalan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 24, 34 at Chinese blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maaaring magbunga ng pagkakamali ang pagkamalikot. Iwasan ang tukso sa karangyaan. Ang hinihintay at pinanabikang balita ay malamang dumating. May hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. Mag-ingat sa anumang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 22, 40, 41 at citrine yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May ibubungang tagumpay ang kasalukuyang ginagawa. Paghandaan at huwag paalpasin ang magandang pagkakataong darating. Magiging magaan ang pasok ng salapi. Ang pakikisalamuhang sosyal ay mag-iiwan ng karanasang hindi makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 26, 39 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung may tiwala sa sariling kakayahan, walang dahilan para hindi makakita ng magandang paraan sa pag-ayos ng gusot. Isang kaibigan ang lalapit at hihingi ng payo ukol sa suliranin sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 32, 40 at magenta.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ugaliin ang mag-ipon para sa kinabukasan. Mula sa pagkakamali ay may leksyong makukuha para hindi maulit ang isa pang pagkakamali. Ang karanasan ay mabisang guro sa pagtuwid ng pagkakamaling nagawa. Tuluy-tuloy ang daloy ng suwerte mo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 32, 39 at corn yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maging mapamaraan sa pakikitungo sa mga kasambahay. Iwasan ang mapikon sa tukso ng ilang kaibigan. Masaya ang romansa. Huwag patangay sa bugso ng damdamin. Isang mapalad na transaksyon ang mabubuo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 27, 35, 42 at peach.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Isang pagsubok ang magaganap na mangangailangan ng talino at pag-iingat. Isang malapit na kaanak ang tatawag o lalapit upang humingi ng tulong. Ang suliraning pampamilya ay madaling malulutas. Maayos na tatakbo ang mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 30, 39 at violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maging tapat sa sarili at kapwa. Iwasan ang maging magagalitin. Huwag patagalin ang isang bagay na gustong sabihin dahil ito ay magbibigay ng suliranin sa kalaunan. May pagkakataong makabili ng mga bagay na hindi gaanong kailangan. Huwag mag-shopping ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 35, 45 at golden yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) Maging mahinahon at iwasan ang pagiging magagalitin. Iwasan ang maging emosyonal sapagkat sisirain nito ang maganda mong suwerte ngayon. Iwasan ang manghiram o magpautang ng pera. Mag-practice ng relaxation breathing. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 31, 40 at ruby red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kasaganahan ang hatid ng araw kung iiwasan ang magalit. Hindi mo magugustuhan ang pamamalagi sa loob ng tahanan. Huwag itali ang pananagutan sa mahigpit na pangako dahil malamang hindi ito matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 33 at blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maging maingat sa kilos at pananalita nang hindi makasakit ng kapwa. Pag-ukulan ng pansin ang lumalabong samahan sa kasambahay o katrabaho. Makakaasa ka sa tapat na kaibigan na handang tumulong. Ang pakikisalamuhang sosyal ay magiging masaya. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 35, 38 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan ang drama ng pagiging emosyonal sa pagtupad ng gawain o tungkulin. Magiging taliwas sa inaasahan ang mga pangyayaring magaganap. Tanggapin ang pagkakamali, kalakip ang paghingi ng paumanhin. Malalantad ang magandang pagkakataon sa hinahangad. Mag-aral ng kahit anong sport. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 39 at jade green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with