^

Dr. Love

Huwag agad magtiwala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati! Ikubli na lang ninyo ako sa pangalang Cherry Pie, 18-anyos.  May ka-textmate  ako at tatlong buwan na kaming magka-text. Gabi lang kung kami ay mag-text sa isa’t isa.

Tawagin mo na lang siyang Francis, isa siyang security guard.  Ako naman ay namamasukan sa isang malayong kamag-anak. Sabi niya, masaya siya kapag magka-text kami kaya matagal kaming nagpapalitan ng message.

Hindi nagtagal ay nanligaw siya sa akin.

Ibig niyang magkita kami pero kinabahan ako. Hindi pa kasi kami nagmi-meet kaya hindi ko siya talaga kilala.  Aniya, hindi siya masamang tao. Sabi niya kahit sa palengke ay magkita kami. Pero sa totoo lang ay nahihiya ako kapag may kasabay akong lalaki. Kahit na nga tatay at mga kapatid kong lalaki, nahihiya ako kapag kasabay ko sila sa paglalakad. Pati pinsan ko kapag pinupuntahan ako ay hindi ko hinaharap. Sabi nila ay wala raw akong pakisama at hindi raw ako marunong makiharap sa mga tao.

Nalilito ako dahil baka naman magalit siya sa katatanggi ko. Lagi niya akong sinasabihan ng  mahal niya ako. Ni hindi ko batid kung single siya o may-asawa.

Dapat ba akong makipagkita?

Cherry Pie

 

Dear Cherry Pie,

Huwag mong babaguhin ang desisyon mo na huwag makipagtagpo sa kanya. Peligroso dahil ‘di mo talaga kilala. Marami nang napahamak dahil diyan.

Kung tapat ang intensiyon niya sa iyo, eh ‘di dalawin ka niya nang pormal sa iyong kinaroroonan.

Huwag mo ring isara ang isipan mo sa paniniwalang may gusto ka na rin sa kanya. Ni hindi mo alam ang anyo niya.

Ingat iha at baka ka mapahamak.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with