^

Dr. Love

Hindi priority ang sariling pamilya

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagkasundo po kami ng aking mister na magkanya-kanyang buhay pagkaraan ng sampung taong pagsasama bilang mag-asawa, dahil maraming bagay kaming hindi napagkakasunduan.

Dahil alam namin na higit na maaapektuhan sa tunay ng estado ng aming relasyon ay ang aming nag-iisang anak na si Hazel, nagpasya kami na sa iisang bubong pa rin tumira pero magkahiwalay ng kuwarto.

Hindi pa alam ni Hazel ang trial separation namin ng kanyang daddy at ang pagtotoka-toka ng mga gastusin sa bahay maging ang para sa pag-aaral ng aming anak.

Pero ang arrangement na ‘yun ay sa unang taon lang nasunod. Dahil kinalaunan ay na-realize ko na nasa akin na ang lahat ng gastusin. Pinalalampas ko pa ang mga unang paghingi ng dispensa ng asawa ko dahil gaya ng madalas naming pag-awayan ay ang lagi niyang inuuna ay ang kanyang ina at mga kapatid at bahala na ang para sa kanyang sariling pamilya. Ang katwiran niya, mas malaki naman daw ang kita ko, kaya karguhin ko na.

Hindi na ko nakatiis nang pakialaman na ng mister ko ang aming joint account para sa pag-aaral sa college ni Hazel. Sabi niya ay ginagamit niya lang ang galing din naman daw sa perang pinaghirapan niya.

Gaya ng iba pa niyang mga ipinangakong ibabalik, hindi na ako umaasa na tutupad siya sa panibagong pangakong ibabalik ang P100,000 kinuha niya sa ATM na hawak ni Hazel. Pati tuloy ang bata ay nagkakaroon ng sama ng loob sa kanya dahil sa inuugali niya.

Lumiit na nang lumiit ang tingin ko sa aking asawa, Dr. Love. Iniisip ko kung hanggang kailan ko dapat itago sa aming anak ang hindi na mapipigil na paghihiwalay namin ng aking asawa.

Payuhan mo po ako. Wala na po talaga akong balak na makipagbalikan pa sa kanya.

Salamat po at hanggang sa muli.

Gumagalang,

Rosita

 

Dear Rosita, 

Kung talagang wala nang paraan para magkasundo kayong ayusin ang inyong pagsasama, marahil dapat na ring malaman ng inyong anak ang totoo sa pagitan ninyong mag-asawa.

May legal na hakbang para mapagtibay ang inyong desisyon at gagarantiya rin sa sustento na dapat ibigay sa inyong anak.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with