^

Dr. Love

Setyembre 18, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa aking kahinaan, umiiral ang kalakasan ng aking Manlilikha. Dakila ang pag-ibig Niya magpakailan man.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malulutas ang ilang bagay na gumugulo sa isipan. Walang magiging sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. Samahan ng dalangin ang minimithi, kung magiging sapat ang pagsisikap at determinasyon, ito ay mapagtatagumpayan. Naaayon ang pagsama sa ilang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging maganda ang pasok ng pera. Angkop ang panahon sa pakikipagkasundo sa dating nakasamaan ng loob. Walang kasing ligaya ang hatid ng buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 20, 31 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Naayon ang panahon sa paglalakbay. Ngayon ang pagkakataon na maipakita ang kakayahan at katalinuhan sa trabaho. Iwasan ang malungkot at magalit. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang kaalaman ay kailangan ibahagi sa mga nasasakupan para makagawa ng tamang paraan. Lumalandas sa kaunlaran ang pakikibaka sa mga gawain. Panahon nang ilantad ang kakayahan at estilo sa nakaatang na mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag padala sa sulsol ng iba. Gawin ang anumang gustong mangyari kung ito’y makakabuti sa lahat at sa sarili. Hindi napapanahong baguhin ang dating mga binabalak. Ang ilang kasamahan ay nangangailangan ng gabay o tulong. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at peach.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Posibleng makatanggap ng impormasyon tungkol sa trabaho. Iwasan ang maulanan dahil madaling makakapitan ng sakit. Huwag ding hayaan na matuyuan ng pawis ang likod. Makaka­tagpo ng bagong kaibigan sa isang pagtitipong dadaluhan. Kailangan ang medical check-up. Lucky numbers at color for the day ay 18, 36, 39, 45 at silver gray.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Matutugunan ang mga mahahalagang panga­ngailangan kung hahanapan ng paraan o solusyon. Matalas ang kaisipan kaya madaling matuto sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hindi angkop ang makipag-date at ipagpaliban ito sa ibang araw. Mapaghinala ang minamahal. Magiging magaan ang pasok ng pera. Mangyayari ang hinahangad. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Palawakin ang sirkulo ng pakikipagkapwa. Maging mapamaraan sa pakikibagay. Ang mga katulong sa pamamahay ay dapat tumanggap ng makataong pagtingin at pang-unawa. Understand the law of karma. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 37 at mint green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag masamain ang anumang inuutos ng nakatataas. Katungkulan mo ang sumunod sa nakatataas. Magiging masungit at makasarili ka ngayon na dapat iwasan. Matutong magtimpi ng damdamin at maging mahinahon. Mag-aral ng stress management exercise. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 13, 40 at silver gray.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Iiral ang pagka-arogante mo na dapat iwasan dahil kung hindi ay mapapasubo sa gulo. Iwasan na magkaroon nang kaalitan dahil tiyak hindi ka papatalo kahit wala sa katuwiran. Learn to listen. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 39 at blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mahaba ang pasensya mo ngayon, subalit kapag sumagad ay sisiklab na parang lumiliyab na apoy kapag nagalit, kaya hinahon ang laging pairalin. Kung may taong makakatagpo na sa­salungat sa panukala, huwag mawalan ng lakas ng loob sapagkat nakataya ang sariling kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40, 41 at white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with