^

Dr. Love

The second time around

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Hello po. Kabilang po ako sa mga avid readers ng PS NGAYON partikular na sa column na Dr. Love. Tawagin na lamang ninyo akong Brixton, 50-anyos at isang negosyante. Matagal akong hiwalay sa aking live-in partner. Simula nang mag-abroad siya fifteen years ago, hindi ko na naisip manligaw pa.

Actually, mga magulang niya ang tutol sa akin, komo ako ay mahirap lang at sila ay mayaman. Sila ang naglayo sa kanilang anak sa akin ngunit alam kong mahal niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Naging challenge sa akin ang pang-aaba ng mga parientes niya. Kahit  high school lang ang tinapos ko, nagnegosyo ako ng junk shop. Umasenso naman ako at nakatutulong pa ako sa iba para makapagtrabaho.

Nagulat ako nang kamakailan ay may kumatok sa aking pintuan. Pagbukas ko ng pintuan ay ang misis ko ang tumambad sa akin. Hindi rin daw siya nag-asawa sa Amerika at ngayo’y sinasariwa namin ang aming naunsiyaming relasyon.

Patay na rin ang mga magulang niya kaya wala nang tututol sa aming relasyon. Isang bagay lang ang problema. May anak na ang da­ting kinakasama ko. Hindi siya nag-asawa pero naanakan ng isang Amerikano na inirereto sa kanya ng kanyang mga magulang. 

Dapat pa ba kaming magsama?

Brixton


Dear Brixton,

Hindi naman problema kung may anak na siya. Maaaring ito’y bunga lang ng isang sumandaling pagkatukso.

Isa pa, nagawa lamang ng misis mo iyon sa udyok ng kanyang mga magulang na inaayawan ka.  Love forgets the dark past.

Ang magandang epekto sa iyo ng panlalait na naranasan mo ay nagsikap ka at nagawa mong paunlarin ang iyong buhay.

Good luck to both of you.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with