^

Dr. Love

Sosyal ang dyowa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Noong una inakala kong si Tina ang babaeng gusto kong makasama sa buhay. Pero nagkamali ako, dahil galing siya sa may sinabing pamilya, hindi ko kayang talikuran ang pangako ko sa ­aking ina at lola para sa mga demand niya.

Dalawa lang po kaming magkapatid. Solong binalikat ng aking ina ang pagtataguyod sa aming pag-aaral habang nakasuporta ang aking lola.

Dahil bagaman may ama kami, masaklap na isa siyang batugan. At hindi maatim ng aking lola na hindi kami makapagkolehiyo na magkapatid kung hindi niya aalalayan si nanay.

Sinasagot ni lola ang pagbabayad sa kuryente at sa aming inuupahan para makabawas sa mga alalahanin ni nanay. Nangako ako na sa sanda­ling makatapos ay tutulong ako.

Pero nag-iba nang makilala ko si Tina. May trabaho na ako at dapat nakakapag-abot na kahit paano kay nanay pero madalas nauuwi na nanghihingi pa ako ng pamasahe o pagkain kina nanay at lola.

Hindi ko po matanggihan ang napapadalas nang hirit ni Tina na kumain kami sa mga mamahaling diner o restaurant.

Na-realize ko na hindi dapat maging ganon ang sitwasyon. Pero kahit anong pagba-budget ko, talagang kinakapos ako. Naisip ko tuloy makipag-cool off muna kay Tina.

Payuhan po ninyo ako. Nagtatampo po siya kapag hindi kami lumabas. Hindi ko naman kaya na patuloy na mag-sideline sa pagbabanda dahil napupuyat ako sa trabaho. Computer science po ang natapos ko habang kumukuha naman ng nursing ang kapatid ko. Payuhan po ninyo ako kung tama ang balak kong gawin.

Gumagalang at nagpapasalamat,

Douglas

Dear Douglas, 

Laging positibo ang resulta ng tunay na pagmamahal at hindi ito mapaghanap. Ipaliwanag mo sa girlfriend mo ang kalagayan mo at makipag-cool off ka. Baka sakaling ma-realize niya. Kung tunay ka niyang mahal, makakaunawa siya at gagawa ng hakbang para hindi mo mabali ang pangako sa iyong ina at lola para sa kapakanan ng iyong nag-aaral pang kapatid.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with