PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi naipagtapat ang totoo

Dear Dr. Love,

Abot langit po ang sumbat ng aking budhi. Dahil nawala na lang sa akin ang panganay kong anak nang hindi ko nagawang ipagtapat sa kanya ang tunay niyang pagkatao.

Bunga ng naunsyaming pag-ibig namin ni Buboy ang anak kong panganay. Napikot ang boyfriend ko ng babaeng nabuntis niya. Dahil mayaman ang pamilya ni Donna wala na siyang nagawa kundi pakisamahan ito.

Sa huling pag-uusap namin ni Buboy, sinabi niyang sikapin ko na makasunod sa America kung saan sila naninirahan ni Donna at siya na raw ang bahala sa lahat.

Nung panahon ‘yung ay may relasyon na kami ni Delfin. Nagpaalam ako sa kanya at ang kondisyon niya para payagan ako mag-tourist sa America ay mag-secret marriage kami.

Ganon po ang nangyari, kaya noon ay naiipit ako sa dalawang lalaki. Mabilis na lumipas ang tatlong buwan pero wala pa akong matinong trabaho. Uuwi na sana ako ng Pilipinas nang matuklasan kong nagbunga ang madalas naming pagkikita ni Buboy.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Balak niyang idiborsiyo si Donna para makasal kami at makapalagi na ako sa America. Pero bago pa mangyari ‘yun ay natuklasan na ng asawa niya ang pagsasama namin sa apartment kaya hinuli ako ng pulis sa pagiging over staying at sapilitang pinauwi ng Pilipinas.

Isang kaibigan ang pansamantalang tinuluyan ko hanggang sa maipagtapat ko kay Delfin ang pagbubuntis ko, na kako ay bunga ng rape. Bagaman inako niya ang sanggol pero nang magkaroon na kami ng tatlong anak ay nagbago ang trato niya sa panganay ko.

Pinagmulan po ito ng depression ng anak ko hanggang sa matuto siyang uminom ng alak at magmarijuana. Nagkasakit po ang anak ko, stage 4 na ang cancer nang matuklasan. Hindi na siya naka-recover.

Sa mga huling sandali ay napilitan na akong humingi ng tulong kay Buboy para sa pagpapagamot sa aming anak, pero useless na rin dahil naaksidente pala siya at nagka-amnesia.

Kalaunan ay iniwan na rin ako ni Delfin. Matanda na po ako ngayon, gusto kong makakawala sa guilty conscience. May kabuluhan pa po kaya kung ipagtatapat ko sa mga anak ko kung anong klaseng ina ako? Payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Aling Gloria

Dear Aling Gloria,

Kung ang pagtatapat sa mga anak mo ang magdudulot ng kaluwagan sa dibdib mo, gawin mo. Wala namang taong hindi nagkamali. Ang higit na mahalaga ay kinikilala mo ang iyong pagkakamali at pinagsisisihan mo ito nang lubos.

Lagi mong tandaan na walang hanggan ang awa ng Maykapal sa pusong nagpapakumbaba. Kaya pumanatag ka at sikapin na maging maligaya sa piling ng iba mo pang mga anak.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: