^

Dr. Love

Menor de edad

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa akong daratnan kayo ng  liham kong ito na nasa mabuting kalagayan. Sana po, huwag ninyo akong biguin na mailathala ang sulat ko at mabigyan ninyo ako ng payo. Ako po si Mercy, labinglimang taong gulang.

Ang problema ko po ay tungkol sa lalaking minahal ko na isang lasenggo. Tawagin n’yo na lang siyang Ernie, 24 anyos. Sabi nila na bata pa ako para pumasok sa ano mang relasyon. Ngunit talagang na-in-love ako sa boyfriend ko sa kabila ng kanyang kapintasan. First love ko siya.

Kaso kapag sagad na siya sa alak ay kung sinu-sinong babae ang kasama niya. Kung hindi naman siya lasing ay masyado siyang mapagmahal sa akin at lagi kaming magkasama.  Minsan naiisip kong makipag-break sa kanya. Hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko siya.

Ganito ba talaga ang first love? Gusto ko sana na kung sino ang first love ko ay last love ko na. Pagpayuhan po ninyo ako ng dapat kong gawin.

Mercy

 

Dear Mercy

Grabe ka. Sa mura mong edad, isa ka pa lang matatawag na minor. Pero nasa ganyang situwasyon ka na?

Kung tutuusin, puwede siyang idemanda ng mga magulang mo ng corruption of minors dahil wala ka pa sa tamang edad.

Duda ako kung mahal mo siya talaga dahil sa gulang mo ngayon, marami ka pang dapat matutuhan. Ang payo ko, kalimutan mo siya at asikasuhin mo muna ang pag-aaral mo.

Bata ka pa iha at isipin mo ang iyong future. Marami pang mas nakahihigit na lalaki ang matatagpuan mo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with