^

Dr. Love

Tinalikuran ang sariling mag-iina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong taxi driver, may dalawang anak sa legal kong misis at isa sa aking live-in partner ngayon.

Childhood sweetheart ko ang dating misis na si Nadia, nakaisip siyang mag-abroad nang madiskub­re na niya ang relasyon namin ni Cristy.

Dr. Love, alam ko po mali ang nagawa ko. Mas­yado lang kasi akong naapektuhan nang pagiging bugnutin ng misis ko kaya walang araw na hindi kami nag-aaway noong ipinagbubuntis niya ang pangalawa naming anak.

At si Cristy ang naging hingahan ko ng mga sama ng loob. Madalas sa kanya rin ako nakakahiram kapag kinakapos kami sa pinansiyal. Nahulog po ang loob ko sa kanya at nagkaroon kami ng lihim na relasyon. Nagbunga po ito.

Hindi ko po mabitiwan ang relasyon namin ni Cristy, Dr. Love. Hanggang isang araw ay may dumating na annulment papers sa tinitirhan namin ng ka-live in ko. Nakatagpo na rin siya ng magmamahal sa kanya at handang ampunin ang aming mga anak.

Ayaw kong ibigay ang mga bata. Pero wala akong pang-abogado. Naisip ko rin na maganda na ang buhay ng dati kong asawa dahil mayaman ang mapapakasalan niya.

Nagsisisi po ako ngayon, ako ang nalugi sa ginawa kong pagtataksil sa aking misis.

Ano ang ginawa ko sa aking sariling pamilya? Payuhan po ninyo ako, Dr. Love.

Gumagalang,

 Meynard                          

Dear Meynard,

Sadyang ganyan, laging nasa huli ang pagsisisi. Pero dapat ka pa ring magpasalamat at hindi gaya nang iba, hindi nawala sa katinuan ang dati mong asawa at hindi napariwara ang inyong mga anak.

Sa halip ay nasa mas komportableng buhay sila ngayon, malungkot lang dahil may ibang padre de pamilia na tumatayo sa tinalikuran mong tungkulin noon.  

Sana nga ay matutunan mo na ang mahalagang leksiyon mo at hindi na maulit ang mga nangyari sa pagitan ninyo ng kinakasama mo ngayon.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with