^

Dr. Love

Cellphone

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po sa inyo at sa lahat ng tagasubaybay ng Pilipino Star NGAYON. Sana ibilang na ninyo ako sa inyong regular na tagahanga at mambabasa ng inyong pitak.

Ako po ay misis na may dalawang anak. Tawagin mo na lang akong Ms. Elvira Menise. Ang problema ko po ay ang natuklasan kong pagpapahatid ng mga text message sa mister ko ng isang babaeng naloloko sa kanya.

Naiinis ako dahil ang cellphone na ito ay ako pa ang nagregalo sa asawa ko nung birthday niya. At ito po ay mamahaling cellphone na ibinigay ko para siya ay lumigaya.

Noong una, ako muna ang kinaibigan niya at siya pa ang nag-ahente ng unang cellphone na binili ko para sa aking husband. Sa kanya ko rin kinuha ang cellphone na may text message kaya nakuha niya ang numero ng cellphone ng asawa ko.

Noong una, hindi ko pinapansin ang mga malalagkit niyang titig sa aking asawa at ang mga pakapit-kapit niya sa balikat nito. Hanggang minsan, nabasa ko ang mga text message niya sa husband ko na puro kalaswaan at humihingi ng date sa mister ko.

Ang asawa ko siyempre ang una kong hinarap. Subalit nagalit siya dahil hindi naman daw niya ito pinapatulan. Handa raw niyang palitan ang numero ng kanyang cellphone para hindi na ito matawagan ni Gina.

Sa kakukulit ko naman, lagi kaming nagkakasamaang-loob ng aking mister. Palagi raw akong nagseselos nang wala namang basehan.

Ewan ko, parang na-insecure ako dahil mas bata siya sa akin at malambing. Ano po ba ang dapat kong gawin? Ayaw ko namang laging nagkakaaway kami ng aking mister.

Elvira

Dear Elvira,

Huwag ka nang magselos, Elvira.Tutal naman, mukhang hindi papatol ang mister mo sa babaeng ‘yun, gaya ng sinabi niya. Magtiwala ka na lang sa kanya.

At tama ang mungkahi niya. Magpalit siya ng sim card  para hindi na siya matawagan pa ng babaeng iyon. Kung ang babae man ang siyang lumalapit sa asawa mo, kung ang asawa mo naman ang umaayaw, wala siyang magagawa. May dahilan ka lang maghinala kung hindi ka sigurado sa katapatan ng asawa mo.

Itigil mo na ang kahihinala nang walang basehan dahil ito ang pinagmumulan ng inyong away.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with