^

Dr. Love

Mahilig Mag-FB si Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kasama ko araw-araw ang aking asawa sa aming bahay, pero lumipas na ang oras hanggang makaalis na ako ay tutok pa rin siya sa social media. Kahit ang aming mga anak na papasok sa eskwelahan sa umaga ay hindi niya naasikaso nang mabuti dahil mas napagtutuunan niya ang pagtse-check ng mga messages at pagpo-post ng picture niya sa kanyang account.

Kung ako naman ay nakauwi na galing sa overtime, ni-hindi niya maiinit ang ulam para maihain sa akin. At hanggang sa paghiga, ako na ang makakatulog kakahintay sa kanya na mahiga na rin.

Kinausap ko na siya tungkol sa nasosobrahang pagtutok niya sa kanyang social media account. Pero ang sabi lang niya ay ‘yun na lang ang tanging libangan niya mula nang pinag-resign ko siya sa kanyang trabaho.

Sa totoo lang ikinatutuwa ko na pinagbigyan niya ako na mag-full time mommy na lang siya para sa amin mga anak. Pero sa nangyayari ay naiisip ko na payagan na lang uli siyang magtrabaho.

Dahil nangungulila na ako sa atensiyon ng aking asawa. Baka kapag magbalik siya sa trabaho ay magbalik na rin ang atensiyon ng misis ko sa akin, gayundin sa aming mga anak.

Payuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin para maawat sa sobrang pagkahumaling sa social media ang aking asawa.

Maraming salamat po at more power!

Gumagalang,

Amador

Dear Amador,

Kung may hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa, ang tanging paraan ay hanapan nang pagkakataon para mapag-usapan. Maaaring ina­akala mo na walang anuman para sa asawa mo ang pagpapa-resign mo sa kanya sa trabaho, pero paano kung hindi? Kaya pag-usapan para malaman mo kung ano talaga ang saloobin ng iyong misis at masabi mo rin ang sa’yo.

Kung ang pagbabalik niya sa trabaho ang paraan para tantanan niya ang social media at pagtuunan ang mas mahalagang bagay, pag-usapan ninyo ang pwedeng adjustment lalo na para sa inyong mga anak.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with