^

Dr. Love

Hinihigpitan maki-party ang mga anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Matagal ko nang gustong sumulat sa inyo para ihingi ng payo ang tungkol sa nagbabalik na mapait na alala ng buhay ko.

May dalawa akong anak, pawang babae at teenager na ngayon. Nahihilig sila sa party, bagay na nagpapaalala sa akin ng hindi magandang karanasan ko noong nasa edad nila ako.

Kaya naman malimit ang paalala ko sa kanila at talagang sinisikap ko na ma-monitor naming mag-asawa, maging ng aming driver ang mga lakad nila. Nagkasundo rin kami na papayagan sila basta uuwi sa oras at laging alam namin ang lakad nila.

Minsan, nagsabi ang isa kong anak na sa nagi­ging set up namin para raw kaming walang tiwala sa kanila ng kanyang ate. Bagay na kumurot sa puso ko.

Iniisip ko ngayon kung dapat ko pa bang ipagtapat sa aking mga dalagita ang sinapit ko para maniwala sila kung bakit naghihigpit kami ng kanilang daddy.

Dati rin po akong mahilig maki-party at naging mitsa ito nang muntik nang hindi ko pagtatapos. Dahil sa kapipilit ko sa aking magulang na payagan ako, ikinatuwiran kong ihahatid naman ako ng isang kaklase at pinayagan nila ako.

Napakabilis nang nangyari, Dr. Love... ang naa­alala ko lang ay ihahatid na ako pero may dinaanan pa at kinabukasan ko na namalayan na nasa isang motel ako at wala nang damit. Ni-hindi ko maituro kung sino at paano ako ni-rape.

Matagal bago ako naka-move on. Dinala ako ng mga magulang ko sa isang tiyahin sa U.S. at doon ako nagpatuloy mag-aral. Ipinagpapasa­lamat ko rin na nakilala ko ang mister ko na siyang nagturo sa akin na magtiwalang muli sa ibang tao.

Payuhan po ninyo ako kung kailangan bang malaman pa ng mga anak ko ang nangyari sa akin, para pakinggan nila ako?

Maraming salamat po and more power!

Gumagalang,

Athena

Dear Athena,

Kung sa palagay mo ay magiging mabisang paraan ‘yun para tahasan mong maipaniwala sa kanila ang ginagawa ninyong pag-iingat sa kanilang magkapatid, gawin mo.

Sa panahon ngayon, hindi madaling makuha ang atensiyon ng mga kabataan kaya mahalaga na ang bawat pagkakataon ay gamitin ng mga magulang para maingatan at mapanatili sila sa mabuting kalagayan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with