^

Kutob

Crush lang ba?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Greetings in the name of Lord Jesus!

Kabilang po ako sa mga avid readers ng inyong love column, Dr. Love.  Ipinauuna ko ang aking pasasalamat sa espasyong ibibigay ninyo para sa aking sulat.

Itago n’yo na lang ako sa ngalang “Cheerful,” 16 years old at ang lalaking naiibigan ko ay si  Serious, 19 na po yata siya. Hindi ko po alam kung love ba itong nararamdaman ko sa kanya. Bale one year ko na siyang crush. Hindi po kami nagpapansinan at ni ngiti ay hindi rin po. Pero lagi ko siyang nahuhuling tumitingin pero kapag nahuhuli ko naman ay bigla niyang babawiin at iniiwas ang tingin niya sa akin.

Ang sabi ng mga relatives ko at ng mga friends ko ay crush din daw po niya ako. Pero ayaw ko pong maniwala kasi cute siya at ako ay hindi.

One time, nagkakuwentuhan kami. Niloloko pa nga ako ng friend ko dahil pareho raw kaming may star sa aming mga mata noong nag-uusap kami. Subalit pagkaraan nito ay hindi na naman niya ako pinapansin pero kapag nginingitian ko siya ay ngu­mingiti naman siya.

Pero bakit ganoon? Sa isang friend ko, siya ang nauunang ngumiti pero pagdating sa akin, kailangang ako ang maunang ngumiti bago niya tugunin ang ngiti ko. May nagsasabi naman sa akin na baka nahihiya siya sa akin dahil alam niyang crush ko siya. Kung minsan, nararamdaman kong crush din niya ako pero ayaw kong i-entertain ang ideyang ito dahil baka isa lang itong pantasya.

Sa ngayon po ay hindi ko na siya nakikita at baka hindi na kami magkitang muli dahil umalis na siya sa aming lugar. Malimit na para akong tanga na iniisip na nandoon pa siya sa kanilang tahanan.

Ang sakit-sakit talaga ng nararamdaman ko nga­yong wala na siya.

Sa tingin po ba ninyo ay crush lang ang nararamdaman ko para sa kanya? May pagtingin din kaya siya sa akin?

Cheerful

 

Dear Cheerful,

Unang una sa lahat, hindi ko kayo kilala pareho kaya paano ko masusuri ang tunay ninyong damdamin sa isa’t isa?

Ang masasabi ko lang, sa edad na sixteen, malamang ay paghanga o crush lamang ang nararamdaman mo.

Ang payo ko, maging magkaibigan muna kayo at hayaang panahon ang magpahinog sa anumang nararamdaman ninyo sa bawat isa.

Normal sa lahat ng kabataan ang makaramdam ng “crush” pero hindi ito dapat ipagkamali sa tunay na pag-ibig. Marami pa kayong dapat bigyan ng prayoridad at unang-una na diyan ang pag-aaral na siyang higit na importante sa lahat.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with