^

Dr. Love

Ayaw ipakilala ng bf sa pamilya niya

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahigit isang taon na kaming nagli-live in ng boyfriend kong si Santi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinakikilala sa kanyang pamilya.

Minsan niyang nabanggit na makakabuti na huwag ko na lang raw makilala ni-makaugnayan ang sinuman sa kanyang pamilya at baka pagmulan pa ng kung anong makakaapekto sa aming relasyon.

Masyado po akong nahiwagaan sa sinabing ito ng boyfriend ko kaya, gusto kong malaman kung may itinatago ba siyang lihim sa akin tungkol sa pamilya niya o ano ang dahilan bakit ayaw niyang mapalapit ako sa pamilya niya?

Hindi na po ako nakatiis at nagsadya ako sa kanilang lugar para magtanong. Ang pinsan niyang babae ang nakausap ko. Ang sabi ni Ludy, ayaw niya sana na sa kanya magmula ang tungkol sa pamilya ni Santi pero yaman din lang na gusto kong malaman ay sasabihin na niya.

Ang mga nagdaang girlfriend daw ni Santi ay pawang nagsipag-atrasan nang makita ang pamil­yang meron siya. Kahit siya raw na kamag-anak, hangga’t maaari ay ayaw magpunta kina Santi dahil nababastos siya.

Kahit raw kasi may ibang tao o bisita ang sino man sa miyembro ng pamilya ay todo-todo ang pag-aaway nila, lagi rin nagsisigawan kahit na wala naman nag-aaway.

Napag-iisip po tuloy ako, Dr. Love. Paano kung magkatuluyan kami ni Santi at maging gaya na rin siya ng kanyang tatay. Isa pa, hindi po gaya ng family background niya ang gugustuhin ko na maging kinabukasan para sa aking magiging pamilya. Sagrado po para sa akin ang mabuting relasyon sa pamilya.

Payuhan po ninyo ako kung dapat na ba akong makipahiwalay kay Santi.

Maraming salamat po and more power!

Gumagalang,

Zenaida

 

Dear Zenaida,

Maaaring kasama sa maaaring maging factor para sa taong pinaplano mong makasama nang pang­habang bahay ay ang family background na meron siya, pero ang maging basehan ito na talikuran mo siya kahit mahal mo naman talaga ang partner mo, hindi tama ‘yun.

Hindi naman ang pamilya niya ang magiging kabiyak mo sa buhay. Naniniwala rin ako na mahal ka ni Santi, dahil pinoprotektahan niya ang damdamin mo at ang inyong relasyon.

Kung papayuhan man kita na tigilan, ito ay ang live-in set up ninyo. Dahil walang ibang lugi sa ganyan kundi ang mga babae.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with