^

Dr. Love

Battered wife

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bumabati muna ako sa inyo at sa mga regular na readers ng Dr. Love kolum sa PS NGAYON. Lumiham po ako sa inyo dahil sa aking problema nitong nakalipas na mga araw. Tawagin mo na lang akong Abby, married for almost three years at hanggang ngayon ay hindi pa kami nabibiyayaan ng anak.

Lagi kaming nag-aaway na mag-asawa. Sa tuwing sinasaktan niya ako, wala naman akong nagagawa kundi umiyak na lang at kaawaan ang sarili dahil hindi ko naman nais na malaman ng iba na ako ay isang “battered wife.”
Nagkaroon ako ng ka-text. Tawagin na lang natin siyang Lex.

Nakilala ko lang siya sa pamamagitan ng isa kong kaibigan. Hindi nagtagal at niligawan niya ako.  Sinabi ko sa kanya na may asawa ako pero hindi niya ito pinansin.

Dahil siguro sa problema ko, nahulog ang loob ko at nakaabot sa puntong nagtatapat na ako  sa kanya ng mga problema ko.

I hope you can help me as soon as possible.

Abby

 

Dear Abby,

Ang payo ko lang sa iyo, huwag kang masyadong pabigla-bigla ng desisyon na puwede mong pagsisihan sa dakong huli.

Maaaring tulad mo, ang mister mo ay nababagot sa buhay dahil sa patuloy na kawalan ng anak. Bakit hindi ninyo pag-usapang mabuti ang sitwasyon bago ka makaisip na umibig sa iba.

Maaaring nagugulo ang isip mo at nawalan ka na ng amor sa asawa dahil nabaling na sa iba ang pansin mo at pagmamahal.

Hindi naman sa sinasabi kong huwag kang umibig sa iba. Subalit kailangang magkaroon kayo ng malinaw na usapan ng asawa mo dahil baka nga magkaroon ka ng problemang legal. Hindi mo nais na kasuhan ka pa nito ng pakikiapid.

Kung talagang wala nang pag-asang manumbalik pa ang respeto at pag-ibig ninyo sa isa’t isa, saka na kayo gumawa ng legal move para sa paghihiwalay ninyo.

Huwag kang masyadong mahihibang sa pag-ibig na wala ring kasiguruhan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with