^

Dr. Love

Hiwalayan blues

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal ko na pong gustong lumiham sa inyo para isangguni ang aking planong pakikipaghiwalay sa aking asawa. Pagkaraan ng sampung taong pagsasama at pagkakaroon namin ng dalawang anak, lalong nakumbinsi ko ang sarili na hindi ko na po kayang tiisin ang pagiging dominante ng aking mister at pagkakaroon namin ng malaking pagkakaiba ng pananaw sa buhay.

Hindi ko na po matagalan ang pagiging self-centered ni Gary at ang kawalan niya nang pang-unawa sa damdamin ng iba lalo na sa akin na asawa niya.

Malimit siyang nasa field work at madalas ay wala kaming kasamang mag-iina. Minabuti ng aking ina at kapatid na alalayan ako dahil parehong maliliit pa ang aking mga anak. Pero sa hindi ko maintindihan na kung anong dahilan ni Gary, minamasama niya ito.

Ayaw rin niyang nakiki-celebrate kami sa birthday ng aking mga kapatid o sinumang miyembro ng ­aking pamilya, maging ng aking mga pamangkin. Sapat na raw ang birthday ng mga bata at pagdiriwang na kami lang apat.

Hindi po kasi malaki ang pamilya ni Gary, samantalang ako ay malaking-malaki kaya sanay sa pagsasama-sama, pagtutulungan at pagdaramayan lalo na kung may nagkakasakit.

Minsan nang maospital ang isa kong anak, dumagsa ang mga kamag-anak ni Gary at hinatid niya ang mga ito. Hindi ko na lang ikinukwento sa aking partido at ayaw ko na pati sila ay madamay sa iniinda ko sa aking mister.

Ang tanging nakakapigil nga lamang sa akin na tuluyang umalis sa bahay na bitbit ang dalawang bata ay ang pangamba na baka makaapekto ang aming paghihiwalay sa aking mga anak.

Dr. Love, payuhan po ninyo ako kung ang naisip kong pakikipaghiwlay ay makakabuti nga ba? Kung hindi, ano po ang dapat kong gawin para manumbalik ang respeto at pagmamahal ko sa asawa ko?

Hihintay ko po ang inyong kasagutan. Maraming salamat po.

Gumagalang,

Mary Rose

Dear Mary Rose,

Hindi dapat maging option ang paghihiwalay. Tama ang naiisip mo na maaapektuhan ang inyong mga anak at sa totoo lang, sila talaga ang talunan kung itutuloy mo ang balak mo.

Subukan mo munang daanin sa diplomasya, mag-usap kayong mag-asawa at sabihin mo sa kanya ang mga nagiging problema mo. Obserbahan mo muna kung ano ang magiging hakbang niya. Kung walang epekto, maaaring hingin mo ang tulong ng inyong mga magulang para mamagitan sa inyong problema.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with