^

Dr. Love

Laging iniiwan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Makailang ulit na akong nagkaroon ng relas­yon pero hindi ko maintindihan kung bakit lagi na lang akong iniiwan. Hindi naman po ako babaero at batugang partner.

Ang sabi ng mga kaibigan ko, masyado raw kasi akong subsob sa trabaho at wala nang panahon sa aking partner. Totoo naman po, Dr. Love. Hindi n’yo po naitatanong, isa akong field reporter at kapag may tawag mula sa opisina kahit pa nagde-date kami ng girlfriend ko ay nagkukumahog na ako para mag-report.

Kakulangan nga bang maituturin ang ganon, Dr. Love? Hindi naman po sa pagwawalang-bahala sa girlfriend, pero mali po ba na umasa rin na maintindihan ng mga babae ang iba pang bahagi ng buhay ng kanilang partner?

Ito ang naobserbahan ng mga kaibigan ko sa mga nagdaang relationship ko. Hindi raw masisi kung sa aking sobrang pagka-abala sa trabaho ay humanap ng iba ang aking girlfriend.

Ngayon po ay loveless na naman ako. At ang dalangin ko, sana makatagpo ako ng babae na magiging sapat ang pagmamahal sa’kin para kasama niyang matanggap ang nature ng trabaho ko.

Ano po ba ang maipapayo ninyo sa akin?

Maraming salamat po at sana magpatuloy kayo ng maganda ninyong misyon sa buhay.

Gumagalang,

Cris

Dear Cris,

Wala namang mali sa pagkakaroon mo ng masidhing dedikasyon sa iyong trabaho, kaya lang kung papasok ka sa pakikipagrelasyon dapat mong matutunan na balansehin ang panahon mo para pareho mong mapagtuunan ang parehong mahalagang bagay sa buhay mo.

Tandaan mo sana na lahat nang sobra ay kadalasang nagbubunga ng hindi maganda­. Sa susunod na magka-girlfriend ka, mas ma­buti siguro mag-leave ka na lang para walang makakaabala sa iyong pakikipag-date. 

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with