^

Dr. Love

Humanap ng iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi n’yo naitatanong, matagal na akong fan ng inyong kolum, lalo na ng pahayagang Pilipino Star NGAYON.

Akala ko mananatili na lang akong mambabasa at ‘di ko akalaing susulat din ako para humingi ng payo sa inyo.

Ako po si Steve, isang kargador sa palengke. Mahirap man ako, marangal naman ang gawain ko. Guwapo naman ako pero ang kapintasan ko ay ang pagiging maralita.

Umibig ako sa isang babae. Tawagin mo na lang siyang Elena. Lagi siyang namamalengke at ako ang tagakarga ng kanyang mga napamili.

Maganda si Elena pero suplada. Minsang dumiga ako sa kanya, pinagtawanan lang niya ako. Isa lamang ding katulong sa bahay si Elena. Sabi ko sa sarili ko, hindi niya ako puwedeng pagmalakihan dahil pareho lang kaming pobre.

Minsan habang bitbit ko ang kanyang bayong at basket patungo sa mga tricycle, naglakas-loob akong magtapat ng pag-ibig sa kanya. Para siyang naasar. Sabi niya, hindi raw niya ako papatulan dahil hindi ko maibibigay ang pangarap niyang magandang buhay. Masakit siyang magsalita. Binasted na nga niya ako, pinagtawanan pa ako na parang nakakaloko.

May nabuong balak sa aking isip. Kikidnapin ko siya at gagahasain para mapilitan siyang magpakasal sa akin. Ano ang dapat kong gawin?

Steve

Dear Steve,

Ito ang dapat mong gawin. Humanap ka ng ibang maliligawan. Kahit patay na patay ka pa kay Elena, wala siyang gusto sa iyo. Mabuti nga’t hindi ka niya pinaasa sa wala.

Huwag kang gagawa ng labag sa batas at huwag ipilit ang sarili sa babaeng ayaw naman sa iyo. Pagpalagay na nating mapitas mo siya sa pilit, ano ang magiging tamis ng iyong pagsasama kung hindi ka niya mahal?

Kaya humanap ka ng ibang maliligawan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with