^

Dr. Love

Tinalikuran ng Ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa edad na 22-anyos, maaga kong binalikat ang tungkulin ng isang magulang para sa dalawang nakababatang kapatid.

Kapatid ko po sila sa ina. Ipinagbubuntis palang ako ni mama ay iniwan na siya ng aking ama at hindi na nagpakita pang muli.

Maituturing naman na pagpapala ang pagkakatagpo ni Papa Poleon at ni mama, dahil nabuo ang aming pamilya. Responsable po ang aking stepfather at kahit hindi niya ako tunay na anak, hindi naging iba ang turing niya sa akin.

Isinunod niya sa kanya ang apelyido ko at itinaguyod ang aking pag-aaral. Nang makatapos ako ay agad niya nakong naipasok sa paaralang pinaglilingkuran niya bilang clerk.

Akala ko ay wala nang patid ang kaligayahan at kapayapaan ng aming pamilya, pero biglang inatake ng alta presyon si Papa Poleon na siya niyang ikinamatay. Parang mababaliw si mama nun dahil talagang spoiled siya rito.

Ngayon na ako na ang tumatayong padre de pamilya, lagi na lang may reklamo si mama sa iniintrega kong sweldo. Gayong hindi naman niya natututukan ang mga kapatid ko dahil naging abala na siya sa boyfriend niyang mas bata nang doble sa kanyang edad na mahigit 50-anyos na.

Masakit sa tenga ang tsismisan ng mga kapitbahay, makailang ulit na rin akong nag-open kay mama tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon. Pero pinagtatawanan lang niya ako.

Nangangamba po ako na baka natuto na ring gumamit ng bawal na droga si mama, dahil usap-usapan na user at tulak si Ka Gerald.

Nakakaisip na po akong magpakalayo kasama ng mga kapatid ko pero hindi ko alam kung saan kami pupunta at baka lalong makasama pa sa aking 4 at 10 taon palang na mga kapatid. Payuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin.

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang 

Lorena

 

 

Dear Lorena,

Maaari kang lumapit sa DSWD para magabayan ka tungkol sa plano mong lumayo sa inyong mama na nagpabaya na sa kanyang tungkulin bilang magulang.

Sa pagkakaalam ko, dahil nasa hustong gulang ka na ay maaari nang ipagkaloob sa’yo ang kustodiya ng iyong mga kapatid. Maari mo rin isangguni ang tungkol dito sa nasabing ahensiya. Hingin mo ang tulong ng inyong barangay na siyang maaa­ring mag-refer sa iyo sa naturang tanggapan ng gobyerno.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with