^

Dr. Love

Hinanakit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mabiyayang pagbati sa iyo. Tawagin mo na lang akong Elsa. Ang problemang ilalahad ko ay tungkol sa aking anak na ngayo’y nasa Amerika. Ayaw ko sana siyang malayo sa akin pero sa kahihimok sa akin ng aking dating asawa na naroroon sa United States, pinayagan ko siya masakit man sa loob ko.

Halos isang taon na siya roon pero ang usapan namin ay agad din siyang babalik. Nagtatapos pa kasi siya ng engineering. Noon palang ay nahimok siya ng kanyang ama na roon na manatili. US citizen kasi ang dati kong asawa na mayroon nang bagong asawa roon. Nagawa niyang lakarin na maging US citizen din ang anak namin.

Nang huling mag-usap kami sa telepono, sinabi niya na roon na lang siya magtatapos. Masakit para sa akin dahil kaisaisa namin siyang anak.

Humingi siya ng tawad sa nagawa niya pero napakasakit nang ginawa nilang mag-ama sa akin.

Ano ang gagawin ko para mawala ang hinanakit ko, Dr. Love?

Elsa

 

Dear Elsa,

Maaaring masakit nga ang karanasan mo pero wala ka nang magagawa kung hindi tanggapin ang mapait na katotohanan.

Hindi na minor de edad ang anak mo kaya puwede na siyang magpasya sa kanyang sarili. Huwag mong guluhin ang isip mo dahil sa problemang iyan. Siguro sasabihin mo na mahirap gawin. Pero ano ang gusto mong mangyari, magmukmok habang buhay?

Hindi dapat masira ang buong buhay mo dahil lang sa problema, gaano man kalaki. Anong malay mo, baka sa malapit na hinaharap, kapag successful na ang anak mo roon ay magbalikbayan siya kasama ang kanyang magiging asawa at mga anak? Masayang reunion hindi ba?

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with