^

Dr. Love

Hindi kontento sa buhay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi po love problem ang idudulog ko sa inyo, kundi ang tila walang kasiyahan nang nakakatandang kapatid ko.

Dalawa lang po kaming magkapatid, na pawang nakapagtapos na ng pag-aaral. May trabaho na rin at nakakatulong na sa aming matatanda nang mga magulang.

Ang hindi ko po maintindihan kay kuya, simula pa lang noong nag-aaral siya ay parang wala na siyang focus. Matagal bago siya naka-graduate. Muntik na nga po kaming magpang-abot sa kolehiyo dahil kapag naumpisahan na niya ang kurso ay mare-realize niya na lang na hindi siya para roon at magpapalit na.

Una pong kursong kinuha niya ay accountancy o certified public accountant. Pero nang mag-third year, nagbago ang isip niya at nakaisip na mag-shift ng engineering. Hanggang pagkaraan ng dalawang taon nauwi siya sa pagtuturo na siyang tinapos niya bilang cum laude.

Ngayon naman po, may ilang taon na siya sa pagtuturo at kumikita nang maayos pero nagbabalak siyang tumigil dahil hindi raw niya gusto ang trabaho niya.

Pinakiusapan ko siya na huwag munang magpasaway at isipin ang pagtataguyod namin sa gamutan ng aming matatanda nang mga magulang. Hindi po kayang balikating mag-isa ng sweldo ko ang para roon.

Ang ganitong pag-isip po ba ng kuya ko ay pa­latandaan na may diprensiya siya dahil sa kawalan nang kakuntentuhan sa buhay o baka may psychological problema siya?

Nahihiwagaan po ako sa kapatid ko. Wala naman siyang girlfriend at hindi mahilig makigrupo sa mga ka-edad niyang binata. Payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po sa pagbibigay pansin ninyo sa liham kong ito.

Gumagalang,

Hilda

 

Dear Hilda,

Kung maliban sa paiba-iba nang desisyon, sa palagay ko ay hindi naman basehan ‘yun para isiping may problema sa pag-iisip ang kuya mo. Dahil maaaring hindi lang talaga niya malaman kung ano ang gusto niya at kung saan siya magiging kontento.

Maaari mo namang kausapin ang kuya mo para sabihin ang saloobin mo tungkol sa pagtataguyod sa gamutan ng inyong magulang. Maaaring mapagbago nito ang pagnanais niyang tumigil sa pagtuturo o kung anuman, hindi mo naman malalaman kung hindi mo siya tatanungin. Kaya ‘yan ang paglaanan mo ng panahon. 

DR. LOVE

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with