^

Dr. Love

Intuition daw

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ipinauuna ko na po ang pasasalamat sa pagpapaunlak ninyong mai-publish ang aking sulat.

Unang pagkakataon ko po na nakasulat ako sa inyo pero matagal n’yo na akong suki. Tawagin n’yo na lang akong Erlinda. Ang problema ko po ay ang aking kasintahan. Naguguluhan ako dahil ‘di ko matiyak kung mahal niya ako o ginagawa lang akong pastime dahil kaka-break pa lang niya sa kasintahan niya.

Isang close friend ko ang nagsabi sa akin na mayroon siyang dating kasintahan. Hindi kasi siya malambing at naging matumal ang pagbisita sa akin sa bahay.

Lumipas ang dalawang linggo at ni anino niya ay ‘di ko nakita kaya pinuntahan ko siya sa kanilang bahay.  Ang sabi ng nanay ko, hindi ko raw dapat ginagawa iyon dahil siya ang dapat magpunta sa amin para mag-usap kami.
Ibig siyang makilala ng mga parents ko pero parang umiiwas siya kapag sinasabi ko ito sa kanya.

Ano po ang dapat kong gawin? Hanggang ngayon ay nalilito ako. Hindi pa kami nag-uusap ukol sa sinabi ng kaibigan ko. Dapat ko pa ba siyang ipakilala sa pamilya ko? At dapat ko ba siyang tanungin sa nalaman ko? Masama kasi ang intuition ko na ako’y ginagawa lang niyang panakip-butas sa dati niyang girlfriend.

Sana po ay mapayuhan ninyo ako. Dapat ko pa bang ituloy ang aming relasyon?

Erlinda

Dear Erlinda,

Hindi intuition iyan kundi may basehan ang iyong pagdududa kung mahal ka niya o hindi. Bakit parang pinaglalaruan ka niya? Dapat iyan ang usisain mong mabuti sa kanya.

Magagawa mo iyan kung mag-uusap kayo nang masinsinan. Buksan ang linya ng komunikasyon para malaman ang tunay niyang damdamin para sa iyo.

Huwag matakot sa iyong malalaman kahit na mapait ito. Mas mabuti iyan kaysa mabuhay sa mundo ng pagkukunwari.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with