^

Dr. Love

Napapako ang tingin ni Mister sa iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Good day po sa paborito kong doktor ng mga puso. Matagal ko na pong gustong lumiham sa inyo bagaman matagal na rin naman ninyo akong tagahanga. Medyo nahihiya po kasi ako sa idudulog kong problema na maaaring para sa iba ay hindi big deal.

Tungkol po ito sa mister ko na kung tumingin sa ibang babae ay hindi maikakaila ang pagkakaroon nang pagnanasa. Tatlong taon palang mula nang ikasal kami pero ilang taon na po kaming nagsasama. Dr. Love sa mga taon ng relasyon namin ay hindi ko nakita ang ganitong ugali ng asawa ko.

Ang mapagnasang tingin ay ginagawa niya po kahit nasa harap niya ako o ng mga kaibigan namin. Hindi ko po ma-dedma dahil parang nayuyurakan ang pagiging maybahay ko. Ganon din po ang obserbasyon ng mga kaibigan namin na nakakapuna sa kanya.

Mistulang napupulaan ang pisikal kong itsura, hindi naman po talaga eye-catcher ang itsura ko. Pero ang matindi kasi dun, Dr. Love nababalewala ang kalooban ko. Masakit po para sa akin ang ganong inuugali ng mister ko.

Hindi ko pa po naio-open sa asawa ko ang tungkol dito at sa totoo lang hindi ko magawang itanong sa kanya kung tunay na nagkakaroon siya ng pagnanasa sa napapakong tingin niya sa bilugang puwet o bombshell na dibdib ng mga babaeng nakikita niya.

Dapat ko pa po bang sabihin sa kanya ang kalooban ko o hayaan ko na lang? Sa totoo lang po, nakakaapekto ito sa pagtingin ko sa mister ko.

Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa liham ko.

Gumagalang,

Eleonore

 

 

Dear Eleonore,

Kahit pa ang pinakamumunting bagay, kapag hindi napagtuunan ng pansin ay mistulang bomba­ na sasabog at magdudulot ng malaking pro­blema. Kaya dapat lang na ipagbigay-alam mo sa asawa mo ang kalooban mo. Dahil kung hindi ay tiyak na pagmumulan ‘yan ng seryosong hindi ninyo pagkakaunawaan.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with