^

Dr. Love

Bata ang boyfriend

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa po ako na sana’y laging maganda ang araw ninyo. Tawagin n’yo na lang akong Lucie, 24 anyos. May kasintahan po ako na mas bata sa akin. Twenty years old lang siya.

Madalas kaming nag-aaway. Masyado raw akong mataray, suplada, isnabera.

Kung sa ugali ay wala akong maipipintas dahil napakabait niya. Pero isa siyang ires­ponsable. Hindi niya ginagawa ang kanyang responsibilidad bilang isang boyfriend. Inuuna niya ang kanyang mga katropa bago ako.

Kapag may gimik silang magkakabarkada ay nakakalimutan na niya ako. Minsan ay  nagseselos na ako. Kapag magkasama kami, parang malamig ang pakikitungo niya sa akin. May problema pa po ako, may best friend siya na babae, isang teacher. Ang sweet-sweet nila at lagi silang umaalis, nanonood ng sine. Sa akin ay hindi niya ginagawa ang mga bagay na iyon.

Sana ay mabigyan po ninyo ako ng magandang payo o dapat gawin sa problema kong ito. Inaasahan ko po ang inyong kasagutan.

Lucie

Dear Lucie,

Nagtataka lang ako sa nabanggit mong teacher na kaibigan niya. Sinasadya ba niyang makipag-date para ikaw ay pagselosin? Kung magkagayon, bakit kaya pinagseselos ka niya sa pamamagitan ng pakikipag-date sa teacher na iyon?

Baka may nakikita siya sa iyo na ipinagseselos niya? Tingnan mo at pakasuriin ang iyong sarili.  Better still, kausapin mo siya nang masinsinan. Alamin mo kung ano ang diperensiya mo na nakikita niya.

Talagang sa bawat relasyon ng magkasintahan o mag-asawa, kailangan ang komunikasyon. Tahasan mo ring sabihin sa kanya ang mga bagay na hindi mo naiibigan sa kanya. Sa gayo’y magkakaroon kayo ng pagkakataong mag-adjust sa isa’t isa.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with