PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Muntik nang ma-in love sa taken na

Dear Dr. Love,

Good day to you at sa maraming followers ng column mo. Pakitago na lang ako sa pangalang Billy, 35 years old and still single. May natitipuhan na akong girl pero lately ay na-realize ko na taken na siya.

Alam n’yo po, umabot ako sa ganitong edad na never been in a serious relationship. Sa mga naging karelasyon ko, hindi ko ma-convince ang sarili na dapat na akong magseryoso. I guess, hindi ko pa talaga nahahanap ang babaeng magpapatibok seriously sa puso ko.

Last month, I met this girl in a friend wedding at talagang napako ang atensyon ko sa kanya. I can’t explain the feelings, Dr. Love. From then on, I can’t get her out of my mind.

Sinubukan kong gisingin ang sarili ko at baka naman it’s just like an admiration, pero hindi eh. Iba ang dating niya sa akin and it’s been months later pero hindi pa rin siya mawala sa isip ko.

Hanggang hindi na ako nakatiis and try to ask friends about the girl. Never did I realized na taken na siya, as in may asawa na. I could hardly believed na may tatlong anak na pala siya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Napabuntung-hininga na lang ako ng malalim and said to myself, I almost fall on her…sayang.

Bihira po ako makaranas ng ganon feelings, Dr. Love and because of it, I am not surprise that I might end up na matandang binata. Pero sana naman hindi. Payuhan n’yo po ako kung paano ko maa-attract ang ganoon feelings para naman hindi ako tumandang binata.

Thank you in-advance. More power!

Billy

Dear Billy,

There are really times na ika nga, kung hindi ukol ay hindi bubukol. Sa tingin ko, pihikan ka, kaya sa dami man ng relationship na pinapasok mo ay wala pa talagang seryoso.

My advice to you, mas mabuti pa to stay single but keep on mingling to others. Anong malay mo sa mga susunod na okasyong dadaluhan mo ay makita mo na ang babaeng kukuha ng atensiyon mo pero hindi pa taken. Just keep on looking.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: