PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

May mahal na siyang iba

Dear Dr. Love,

Pakitago na lamang ninyo ako sa alyas na Dong,  20-taong gulang. Nagsimula akong manligaw nung 4th year high school ako at ang niligawan ko ay si Cita.

 Magkababata kami ni Cita sa probinsiya namin sa Isabela. Niligawan ko siya pero bago ako sagutin ay lumuwas siya ng Maynila para doon mag-college.  Nang mag-sem break ay bumalik siya sa probinsya at doon niya ako sinagot.

Kay saya ko nang mga oras na ‘yun.  Na­ging makulay ang mga sandaling magkasama kami. Pero nang magbalik siya sa Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral. Nalungkot uli ako. Nangako naman siya na hindi siya magbabago at ako lang ang mamahalin niya.

Sa loob ng limang buwan ay nag-cha-chat kami. Nang muli siyang magbalik sa probinsya, para akong nabagsakan ng langit nang makipag-break siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro mayroon na siyang iba. Mahal ko pa siya hanggang ngayon kahit may apat na buwan na simula nang makipag-break siya.

Dr. Love, ano ang gagawin ko? Mayroon po akong napupusuan pero patuloy pa rin akong umaasa na magkakabalikan kami ni Cita.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sana ay mapayuhan ninyo ako.

Dong

 

Dear Dong,

Harapin mo nang buong tapang ang katotohanan. Hindi dapat huminto ang iyong buhay dahil lamang sa isang babae.

Laging may magandang layunin ang Diyos sa mga pangyayaring pinapahintulutan niyang maganap sa atin.

Kung mayroon na siyang iba, wala ka nang magagawa. Ituloy mo ang pakikipagkilala sa iba-ibang babae para mahanap mo ang tunay mong mamahalin at magmamahal din sa iyo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: