PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hibang sa dalawang lalaki

Dear Dr. Love,

Ang kaibigan kong si Jenny ay may boyfriend na pero hindi ko maintindihan ang pagkahibang niya sa isa pang lalaki na sinasabi rin niyang mahal niya.

Nang tanungin ko siya, ang sabi niya ay masaya siya kapag kausap si Regal at iba raw ang nararamdaman niya para rito. Engage na po ang lalaki at malapit nang ikasal sa girlfriend niya.

Mahal na mahal po si Jenny ng boyfriend niyang si Adolfo. Sa katunayan ay  nakahanda siyang gawin ang lahat mapaligaya lang ang kaibigan ko. Marami nang nagawang tulong si Adolfo sa pamilya ni Jenny, lalo na sa ama niyang nagpapa-dialysis twice a week.

Nakakaramdam po ako nang pagka-guilty kung magsasawalang kibo sa nakikita kong mali. Dahil ako po ang naging dahilan nang pagkakakilala nila Jenny at ng pinsan kong si Adolfo.

Sadya bang may mga babae na two timer? Hindi ko po alam kung paano ang gagawin ko. Sasabihin ko ba kay Adolfo ang maling ginagawa ni Jenny o kukulitin ko na lang ang ka­ibigan ko na tigilan na ang kahibangan niya? Payuhan po ninyo ako.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Maraming salamat po at more power to you.

Gumagalang,

Celina

 

 

Dear Celina,

Nakakalungkot man, ang reyalidad ay tunay­ na may mga babae rin na namamangka sa da­lawang ilog. Tutal kaibigan mo naman si Jenny, siya ang i-approach mo at kausapin nang masinsinan tungkol sa pinagsasabay niyang lalaki sa buhay niya.

Posibleng makapag-isip-isip siya kung bibig­yan mo siya ng ultimatum, na kung hindi niya susupilin ang kahibangan niya ay ikaw mismo ang magsasabi sa pinsan mo tungkol sa pakikipagmabutihan niya sa ibang lalaki.

May pagkakataon na kailangan mawala muna ang bagay na mahalaga bago makita kung gaano ito kaimportante. Kung ito ang dapat maranasan ni Jenny, hayaan mo para matutunan niya ang maging tapat sa taong nagmamahal sa kanya.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: