PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Utang na loob

Dear Dr. Love,

Isa akong ampon ng mag-asawang kumupkop sa akin mula pa noong ako’y 7 taong gulang pa lamang sa bahay ampunan. Masasabi kong isa ako sa mga pinalad sa mga naging adoptive parents ko dahil itinurin nila ako na gaya ng tunay na anak, lalo na ang kinilala kong ama na siyang uma­lalay sa akin sa mga leksiyon ko noong ako ay nag-aaral pa.

Napagtapos po nila ako. Pero ang kaligayahan ng ­aming pamiya ay nawala nang sumakabilang buhay ang aking ama-amahan. Ang dating magiliw at mabait kong ina-inahan ay naging laging aburido.

May trabaho na po ako at mula nang mawala ang kinilala kong ama ay inobliga niya akong iintrega sa kanya ang kalahati ng aking sweldo para raw mabayaraan ko ang mga ginastos nilang mag-asawa nang ako ay ampunin nila.

Wala namang problema ‘yun dahil itinuturin ko siyang ina. Pero nang mag-asawa ako at magkaroon ng mga anak, naging mabigat po ang pag-iintrega ng malaking halaga sa kanya. Kahit pareho kaming may trabaho ng mister ko ay kulang pa rin.

Hindi naman po siya kapos kung tutuusin, dahil bukod sa sarili niyang pensiyon ay sa kanya rin napupunta ang pensiyon ng aking pumanaw na ama-amahan. Sadyang maluho lang po talaga ang ina-inahan ko.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dr. Love kung minsan ay gusto kong maglambing sa kanya pero hindi ko na magawa. Dahil lagi na lang siyang nakasinghal. At madalas, lalapit pa lang ako sa kanya ay sinosopla na niya sa mukha ko ang tungkol sa intrega na hindi raw dapat mabawasan.

Dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pag-iintrega sa kanya? Payuhan po ninyo ako. Aabangan ko po ang inyong payo.

Gumagalang,

Zoraida

Dear Zoraida,

Kung tutuusin ay wala kang obligasyong mag-intrega sa iyong ina-inahan. Dahil kalakip nang pag-aampon  ay ang responsibilidad na palakihin ang batang kinupkop. Ngayon na may sarili ka nang responsibilidad sa mga anak mo, hindi masamang i-open mo ito sa iyong kinalakihang ina.

Pumayag man siya o hindi, atleast ay napaalam mo sa kanya ang nagiging problema ninyong mag-asawa. Pakiusap ko lang na gawin mo ito nang  may pagmamahal at pagpapakumbaba dahil kung tutuusin hindi na siya iba sa’yo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: