PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Walang disposisyon ang boyfriend

Dear Dr. Love,

Naging hamon ang kwento ng isang kaibigan na huwag nang tangkain pa na kaibiganin ang itinuturing boy next door sa aming lugar. Ang dahilan ay mama’s boy daw ito.

Kaya gumawa ako ng paraan at tila nakikiayon naman ang pagkakataon dahil minsan ma­lapit ako sa paupahang apartment ng mga magulang ni Mariel, may-ari ng unit na nirerentahan ni Diego, dumating ang kanyang ina na maraming pa namang dala.

Hindi ako nagdalawang-isip na tulungan siyang buhatin ang kanyang bitbit at pansamantala ay inalok ko ring magmiryenda muna sa bahay namin dahil wala pa si Diego.

‘Yun na ang naging tulay ko para maging magkaibigan kami. Sa umpisa palang ay naobserbahan ko na medyo may pagka-mama’s boy nga siya. Pero hindi ‘yun problema sa akin.

Ang pagkakaibigan namin ay nauwi sa relas­yon, dahil alam kong boto ang kanyang ina sa akin. Masaya ang mga unang buwan pero habang nagtatagal ay nauumay ako na laging ako ang nagdedesisyon sa maraming bagay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

At para bang pagtangu-tango na lang ang ginagawa ni Diego o kaya’y “Yes, Hon.” Kahit pa gumawa na ako ng eksena para pagselosin­ siya ay wala siyang reklamo. Ni-hindi man lang ako pinagsa­bihan na huwag nang uulitin na sumama sa ibang lalaki.

Dr. Love, tanda ba ito na kung sakaling kami ang magkatuluyan ay ako na lang ang masusunod? Kinauumayan ko na po ang sitwasyon namin. Healthy pa ba ang ganitong relasyon? Payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po at hangad ko po ang patuloy na pagtatagumpay ng inyong malaganap na column.

Gumagalang,

Noime

Dear Noime,

Karaniwan talagang hinahanap ay ang wala. Pero hindi ba mas maganda na pagyamanin kung ano ang meron sa relasyon para magtagal? Kung tunay na mahal mo ang iyong boyfriend, tulungan mo siyang mapabuti bilang part­ner. Hindi naman masama na magkaroon ka ng obserbasyon sa kanya pero sikapin mo bilang partner niya na matulungan siyang mag-grow para hindi maging boring ang inyong relasyon. Inaalagaan ang relasyon para maging healthy.  

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: