^

Dr. Love

Inihabilin sa best friend ang asawa’t anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Limang taon nang patay ang misis ko pero ang puwang na iniwan niya sa puso ko ay hindi matakpan ng kahit sinong babae. Kahit pa ang kaibigan niya na  pinagbilinan noon na mag-alaga sa akin at sa aming kapapanganak pa lang na baby.

Inilihim sa akin ng misis kong si Betty na may sakit siya sa puso. At dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ako nang pinapangarap kong anak ay itinigil niya ang pag-inom ng gamot na pumipigil para siya magbuntis. Ito ay sa kabila nang mahigpit na bilin ng kanyang doctor sa kapahamakan na maaaring mangyari sa kanya.

Nalaman ko ang lahat mula kay Donita, ang best friend ng asawa ko at dating kasamahan sa club kung saan ko siya nakilala. Sa kanya ipinagtapat ng asawa ko ang tunay niyang kalagayan at sinabi na gusto rin niyang gawing ninang ng aming baby ang kaibigan.

Natupad ang hiling ni Betty, naging ninang at yaya ng anak ko si Donita, na kalaunan ay napagbalingan ko rin ng atensiyon. Kasama na siya nang lumipat kami sa apartment na malapit sa unit ng kapatid ko para may titingin-tingin din sa aking anak.

Nang tumagal na, lumabas ang tunay na kulay ni Donita. Iba siya kay Betty. Dahil hindi niya kayang talikuran ang buhay sa club. At kaya pala laging nagkukulang ang allowance na binibigay ko para sa aking anak ay napupunta sa pagsusugal niya at lalaki na pinapatulog niya sa apartment kung ako ay nakadestino ng out of town. Salamat sa malasakit ng kapatid ko na siyang nakahuli sa mga milagrong ginagawa ni Donita.

Humihingi ng tawad si Donita at nangangakong magpapakatino na alang-alang sa alaala ng isang kaibigan. Tulungan n’yo po akong magpasya, Dr. Love. Iniisip ko na kahit pinababayaan niya ang anak ko ay hinahanap pa rin siya dahil na kinasanayan na siya ng bata na ngayon ay kindergarten na.

Kailangan ko po talaga nang titingin sa aking anak dahil sa trabaho ko bilang civil engineer na palipat-lipat ng site.

Gumagalang,

Regal

 

Dear Regal,

Kahit pa mangakong magbabago ang kaibigan ng asawa mo at yaya ng inyong anak, magagawa mo pa bang ipagkatiwala sa kanya ang bata kung sa mga nakalipas na taon ay pinababayaan naman niya?

Kung ako ang magpapasiya, hindi ko isusugal ang kapakanan ng aking anak. Pwede ka naman kumuha ng iba, maaaring malayong kamag-anak na mapagkakatiwalaan at tapat, tutal may kapasidad ka naman magpasweldo ng tama.

DR. LOVE   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with