^

Dr. Love

Ka-live-in hindi makasundo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayong lahat sa PS NGAYON? Tawagin n’yo na lang akong Cynth. Mayroon po akong asawa pero ‘di kami kasal. Common law po yata ang tawag dun.

Up to now ay hindi pa kami binibiyayaan ng anak. Hindi masyadong maganda ang relasyon namin. ‘Yun bang laging nag-aaway, pero nagkakasundo rin naman. Ang ugat ng away namin ay pera.

Tuwing kinsenas ay dalawang libong piso ang inaabot sa akin. Minsan pa nga ay P1,500 lang. Hirap na hirap ako sa pagba-budget. Siya pa ang nagagalit at sinasabing hindi raw ako marunong mag-budget.

Kaya ipinasya kong ipaubaya na lang sa kanya ang pagba-budget ng kanyang maliit na sweldo at nakita niya na talagang mahirap pagkasyahin.

Nahihirapan po talaga akong makisama sa kanya. Dapat ko na bang tapusin ang relasyon namin?

Cynth

Dear Cynth,

Kung tatanungin mo ako, talagang hindi ma­kakatikim ng ginhawa ang pagsasama ninyo dahil hindi kayo kasal. Hindi kinukunsinti ng Diyos­ ang ganyang relasyon.

Pasalamat ka at wala pa kayong anak. Mas mahirap kung may mga anak kayo at baka pati ikaw ay dapat kumayod.

Kaya ang payo ko, tapusin mo na ang relasyon mo sa lalaking iyan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with