^

Dr. Love

Gurang na admirer

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay bumabati ako sa iyo, sa staff ng PS NGAYON at sa lahat nang bumabasa ng iyong kolum.

Avid reader po ako ng PS NGAYON, partikular ng inyong malaganap na kolum. Sumulat  po ako dahil kailangan ko ang inyong payo.

Please call me Angie Zee ng Meycauayan, Bulacan. Sa ngayon, may isang admirer ako na matandang binata, 50 anyos siya at ako naman ay 20.

Kung titingnan, para ko na siyang tatay sa agwat ng aming edad. Pero masyado siyang caring. Alam na alam niya ang mga gusto ko at binibili niya ang lahat ng ito, gaya ng mga gadgets at signature clothes.  Hindi ko naman hinihingi ang mga ito. Sa totoo lang inaayawan ko pero nahihiya akong hindi tanggapin dahil baka isiping binabastos ko siya.

Ano po ang gagawin ko para madispatsa ko siya?

Angie

Dear Angie,

Simple. Sabihin mong wala kang gusto sa kanya. Hindi mahirap sabihin iyan dahil mas masama kung patuloy siyang aasa at gagastos para sa iyo, tapos sa bandang huli ay basted naman siya.

Isa pa, hindi kabastusang tanggihan mo ang mga inaalok niya. Sabihin mong diretsa na masamang tingnan na tatanggapin mo ang ibinibigay niyang mamahaling bagay dahil aasa siya sa wala.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with